^

True Confessions

Salome (49)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NASAAN si Rocco, Amy?’’ Tanong ni Salome habang nag­lalakad sila pa­uwi. Gusto niyang matiyak kung nasa gate pa ito sa pagdaan nila roon.

“Nasa gate nag-aabang. Mukhang uhaw na uhaw sa beer. Ikaw nga ang hinahanap kanina at pabibilhin pero si Manang Sabel ang nagsabi na mayroon ka lang pinuntahan. Mukhang alam na ni Manang ang gagawin…’’

“Kasi’y nag-aalala si Manang dahil baka kung ano ang gawin sa akin.’’

Nagtawa si Amy.
Nagtaka naman si Salome.

“Ba’t ka nagtawa?’’ tanong nito.

“Ano namang ga­­­­­­ga­win sa’yo ni Rocco­?’’

“Kasi’y kung ma­katingin e parang may iniisip na masama.’’

“Bakit mo nasabi?­’’

“Nung minsan ay nilapitan niya ako habang naggagamas sa punong santol at sinabi sa akin na magkuwentuhan daw kami. Itigil ko raw ang ginagawa ko. Natakot ako kaya sumunod sa kanya. Nakipagkuwentuhan ako sa kanya sa may punong santol.’’

“Dun ba  yun sa malaking puno ng san­tol na maaaring sandalan?’’

“Oo. Bakit mo na­itanong?’’

Hindi sumagot si Amy. Hindi na niya sasabihin na dun sa punong santol na iyon nag-shabu si Rocco. Kitang-kita niya kung paano ni­langhap ni Rocco ang usok sa foil. Sa puno sumandal si Rocco at parang sarap na sarap sa posisyon.

“Ba’t mo naita­nong Amy?’’

“Wala! Bilisan natin at baka inip na si Rocco. Humanda ka na lang kapag tina­nong ka. Masamang magalit yun.’’

Kinabahan si Salome. Tinakot pa siya ni Amy. Ano kayang magandang gawin?

Nang malapit na sila sa bahay, nata­naw nila si Rocco na nag-aabang pa sa gate.

“Naroon pa si Rocco! Humanda ka, Salome.”

Biglang ki­nuha ni Salome ang cell phone niya at tina­wagan si Ma­nang Sabel.

Nagtaka si Amy kung sino ang tinatawagan ni Salome.

“Sinong tinata­wa­gan mo?’’

“Si Manang Sabel. May itatanong lang ako.”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKIT SUWERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with