^

True Confessions

Salome (35)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAAYOS ang unang araw nang pag-aaral ni Salome sa unibersidad. Tuwang-tuwa siya sapagkat sa wakas ay maipagpapatuloy din ang nahintong pag-aaral. Ngayon ay sisiguruhin niyang hindi na mahihinto sa pag-aaral. Tatapusin niya ang pagka-guro. Kapag naka-graduate siya, ma­­bi­bigyan niya nang ma­gandang buhay ang kan­­yang inay. Hindi na ito magpapaupa sa paggagamas at pagtatanim ng palay. Kawawa naman ang kanyang inay na nakabilad sa matinding sikat ng araw habang nagpapaupa sa pag­gagamas. Kaunting tiis na lang Inay, naibulong ni Salome.

Isang sakay lang sa dyipni patungo sa uni­bersidad na nasa ka­ha­baan ng E. Rodriguez o ERod. Paglabas niya sa Balete Drive ay makikita na ang ERod. Tatawid sa kabila para sumakay ng dyipni pa-south bound. Madadaanan na ang unibersidad na nag-ooffer ng Education o pagka-guro.

Simula ng klase niya ay ala-una ng hapon at matatapos ng alas-singko. Iyon lang ang available na oras na maaari siyang pumasok. Ang ginagawa niya, maaga siyang gumigising – mga alas-tres ng mada­ling araw at nagsisimula na sa trabaho. Naglalaba at nagdidilig siya ng halaman. Kailangang ganun ang gawin niya para mabawi ang oras na nasa school siya. Binabayaran niya ang oras na nakunsumo habang nag-aaral.

 

ISANG hapon na papasok siya sa school ay nakasalubong niya sa gate si Amy. Nagtapon ito ng basura.

“Saan ka pupunta?’’ Tanong ni Amy.

“Papasok sa school.’’

Napairap si Amy.

“Alam ba ni Mam Pilar­?”’

“Hindi pero si Sir Hector alam.”

Napatangu-tango si Amy. May iniisip ito.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with