^

True Confessions

Salome (34)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“OKEY  ka ba naman habang wala ako?” Tanong ni Sir Hector kay Salome. “Matagal din kasi ang assignment ko sa Vietnam.’’

“Okey naman po, Sir Hector.’’

“Walang problema?’’

“Wala naman po.’’

“Si Mac ba nagpupunta rito?’’

“Minsan lang po. Hindi po siya puma­sok. Sa may gate lang po kami nag-usap.’’

Napahinga nang malalim si Sir Hector at saka napailing-iling.

“Hindi kasi kasundo ni Mac si Mam Pilar mo. War sila. Ako naman ay walang magawa. Hindi ko mapilit si Mac na makipagbati kay Pilar. Si Pilar naman ay lalo na. Ako ang naiipit sa war nila.’’

Tahimik lang si Salome. Ayaw niyang mag­bigay ng reaksiyon o komento. Baka may masabi siyang masa­ma ay kung ano pa ang isipin ni Sir Hector. Napakabait pa naman sa kanya ng taong ito.

“Yung sinabi ko sa’yo na mag-enrol ka na ngayong semester ay gawin mo na ha. Bibigyan kita ng pera. Aalis kasi kami. May malapit na unibersidad dito --- isang sakay lang. Nasa ERod. Alam mo bang ERod?’’
“Hindi po. Ano po yun?’’

“E Rodriguez. Along ERod ay maraming university. May nag-ooffer ng Education. Tamang-tama sa kurso mo. Kung hindi mo alam ang ERod, pasama ka kay Manang Sabel.’’

“Opo. E…’’ Binitin ni Salome ang sasabihin.

“O ano yun?’’

“Hindi po ba dapat sabihin muna kay Mam Pilar ang pag-eenrol ko?’’

“Huwag na. Basta mag-enrol ka. Eto ang pera.’’

Kinuha sa bulsa ang wallet. Humugot doon ng pera. Pawang 1,000.

“O, bahala ka na diyan.’’

“Salamat po. Kailan ka po aalis Sir Hector?’’

“Sa Linggo. Magkasama kami ni Mam Pilar mo kaya free kang mag-enrol, okey. Pagnagkausap kayo ni Mac, sabihin mo mag-usap kami sa bahay sa Earnshaw.’’

“Opo Sir Hector. Salamat po.’’

NAKAPAG-ENROL si Salome. Si Manang Sabel ang sumama sa kanya sa pag-eenrol at kung anu-ano pa. Pati pagpapatahi ng uniporme, tinulungan siya. Malaya nilang nagawa iyon dahil wala si Mam Pilar. Nasa tour kasama si Sir Hector.

Unang araw ng klase ay masayang nagpaalam si Salome kay Manang Sabel.

“Aalis na po ako Manang.’’

“Mag-ingat ka, Salome.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with