^

True Confessions

Salome (33)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IKINUWENTO rin ni Salome kay Ma­nang Sabel ang paglapit sa kanya ni Rocco kanina habang nagdidilig ng punong santol.

“Nilapitan ka na naman?’’

“Opo Manang. Na­gulat nga ako.’’

“Anong sabi?’’

“Tumigil daw po ako sa ginagawa at magkuwentuhan muna kami. Huwag ko raw intindihin ang mga lintik na puno.’’
“Sira talaga ano?’’

“Sabi pa po, sa halip daw na santol o kung ano pang halaman ang itanim, dapat marijuana na lamang.’’

“Rocco-rocco talaga. Kasi’y addict kaya marijuana ang gustong itanim.’’

“Ayaw ko po sa­nang makipag-usap kaya lamang ay natakot ako. Napilitan na po ako. Kung anu-ano na nga po ang sinabi sa akin. Tinanong kung virgin pa ako.’’

Napailing-iling si Manang Sabel.

“Natatakot ako sa ginagawa ni Rocco. Sana ay maiwasan mo siya.’’

“E paano nga po e ako ang nilalapitan.’’

“Kapag inaakala mong lalapit sa’yo, kunwari ay may mahalaga kang gagawin at dahan-dahan kang lumayo. Masama ang kutob ko, Salome.’’

“Ganun na nga po ang gagawin ko. Pero talagang kina­kabahan po ako, Manang. Mabuti nga po at dumating na si Mam Pilar at napu­tol ang pag-uusap namin ni Rocco.’’

“Tapos minura ka naman ni Mam Pilar?”

“Opo.’’

“Basta ang payo ko, iwasan mo si Rocco. Huwag kang makikipag-usap.’’

“Opo.’’

ISANG araw na abala si Salome sa pagdidilig sa mga puno, nilapitan siya ni Sir Hector. Ngayon lang niya uli nakita si Sir Hector. Siguro nadestino ito sa ibang lugar.

“Mag-enrol ka na ngayong pasukan, Salome. May malapit na university dito.’’

Tuwang-tuwa si Nectar.

“Salamat po, Sir Hector.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with