^

True Confessions

Salome (29)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI kayo magsiyota ni Mac?’’ Tanong ni Amy na parang hindi naniniwala kay Salome.

“Hindi. Magkaibi­gan lang kami. Ma­bait siya sa akin at kay Inay. Gusto niya matapos ko ang pag-aaral. Mag-aaral kasi ako habang nagtatrabaho rito.’’

“Wow ang taas pala ng ambisyon mo.’’

“Hindi naman. Kung makakatapos ako ng pag-aaral, ma­­kakapagturo ako at mabibigyan ko nang maigi-iging buhay si Inay. Naggagamas lang kami sa bukid sa Pinamalayan. Wala kaming sariling lupa.’’

“Pagtititser ba ang course mo?’’

“Oo. Magti-third year na ako.’’

“Paano ka mag-aaral dito e buong mag­hapon nagtatrabaho tayo.’’

“Pangako sa akin ni Sir Hector puwede akong pumasok.’’

“Alam na ba ni Mam?’’

“Hindi ko alam. Si Sir Hector lang ang nagsabi sa akin.’’

Napangiti si Amy at pagkaraan ay nagpaalam na.

“Sige, Salome. Pero totoo ang sinabi mo na hindi kayo magsiyota ni Mac ha?’’

“Oo. Magkaibigan lang kami. Mabait kasi siya.’’

Umalis na si Amy. Seksing lumakad si Amy. Maharot ang indayog ng puwit.

 

GINAGAMASAN ni Salome ang punong santol isang umaga nang magulat siya sa paglapit ni Rocco, anak ni Mam Pilar.

“Ang sipag mo naman, Salome! Pahi­nga ka naman. Magkuwentuhan muna tayo.’’

“Baka po makita ako ni Mam Pilar.’’

“Wala naman siya. Nasa casino pa yun. Halika, kuwentuhan muna tayo.’’

“E marami pa po akong gagamasan.’’

“Huwag mong intindihin ang lintik na mga halamang ‘yan!’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with