^

True Confessions

Salome (27)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IBINALITA ni Salome kay Manang Sabel na dumating si Mac pero umalis din agad.

“Kinukumusta ka po ni Mac, Manang Sabel.’’

“Sayang, hindi ko man lang nakita si Mac. Matagal na kaming hindi nagkikita.’’

“Babalik po siya. Pupunta lang daw siya ng Mindoro.’’

“Patuloy din ba sa paglalakad si Mac? Noon pa yan naglalakad. Mula nang mamatay ang mommy niya ang pagla­lakad ang nakahiligan. Nakakapagod ang liba­ngan niya ano?’’

“Opo. Marami na raw po siyang narating. Buong Laguna raw po e narating na niya sa pamamagitan ng paglalakad.’’

“Ano kayang nakukuha niya sa paglalakad?’’

“Kasiyahan daw po ng kalooban. Nalilimutan daw po ang lahat.’’

Napangiti si Manang Sabel. Hinalo ang nilulutong sisig.

“Siyanga pala Manang, kaninang nag-uusap kami ni Mac, nagtapon ng basura si Amy. Nakatingin sa amin.’’

“Mag-ingat ka kay Amy.’’

“Bakit po?’’

“’Yan ang “mata” ni Mam Pilar dito.’’

“Baka po isumbong ako na kausap si Mac,” sabing nag-aalala ni Salome.

“Posible ngang isumbong ka. Alam mo kung bakit duda ako na siya ang nagsusumbong?”

“Bakit po?”

“Kasi’y minura ako ni Mam Pilar minsan dahil sa maling luto ko. Kasi’y nalibang ako sa pakiki­pagkuwentuhan sa anak ko. Magkausap kami sa cell phone. Kung anu-ano ang nailagay ko sa putahe. Kinatkatan ako ng mura ni Mam Pilar. At alam ko, si Amy lamang ang narito sa kitchen nun. Kaya sino pa ang nagsumbong kundi siya!’’

Napatango si Salome.

“Kaya payo ko sa’yo ingat ka. Si Amy ang “tsu-tsu” rito.’’

“Opo Manang.’’

“Kung maaari huwag kang magpapakita habang kausap si Mac.’’

Tumango si Salome.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with