^

True Confessions

Black Widow (156)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SAAN po tayo pupunta, Tita?’’ Tanong ni Iya.

“Sa resort. Susunod na ang daddy at Tita Marie mo pati si Pau.’’

Natigilan si Iya. Nagu­guluhan sa mga sinabi ni Jam.

Madaling nakaisip ng dahilan si Jam para makumbinsi si Iya.

‘‘Sorpresa ko kasi ito sa kanila at sa iyo mismo. Iti-treat ko kayo sa isang resort. Ang ganda sa resort na iyon. Mag-eenjoy ka. Napakalamig ng tubig at napakalinis.’’

“Bakit hindi na lang tayo nagsabay-sabay patungo roon?’’

“Sorpresa nga e.’’

Natigilan si Iya. Nag-iisip. Tumingin sa labas. Nasa SLEX sila malapit na sa boundary ng Laguna at Batangas. Tanaw ang bundok ng Makiling.

Hindi naman nagpahalata si Jam na natutuliro na siya sa pagtatanong ni Iya. Baka bigla itong maghisterikal dahil papalayo sila nang papalayo. Baka biglang umiyak.

Isa pang ikinatutuliro ni Jam ay ang pagsulyap-sulyap ng taxi driver sa salamin at nakatingin sa kanila. Pakiramdam ni Jam, naghihinala ang driver.

Hanggang sa makita ni Jam na inaantok na naman si Iya. Papikit-pikit ang mga mata. Hanggang sa tuluyang makatulog.

Nakahinga siya.

Hanggang maalala niya na maaaring may cell phone si Iya. Kinapa niya ang back pack nito. Nakapa niya ito sa bulsa ng back pack. Dahan-dahang kinuha. Binuksan. May nakita siyang mga message na bagong dating. Hindi niya tiningnan para basahin ang mga iyon at sa halip, ini-off niya. Sakaling tumawag kay Iya ang daddy nito, walang magri-ring.

Sa tantiya ni Jam, nagkakagulo na sina Jose at Marie sa pagkawala ni Iya. Hindi nila malaman kung ano ang gagawin. Hindi malaman kung saan hahanapin ang anak.

Napangisi si Jam.

Lingid kay Jam, nakatingin sa salamin ang taxi drayber at nakikita ang mga reaksiyon niya.

TAMA ang hula ni Jam na nagkakagulo na sina Jose at Marie. Nawawala si Iya at hindi nila malaman kung saan ito nagpunta.

Walang nakakita sa paglabas nito sa school. Maski si Pau ay hindi alam kung paano nawala si Iya. Ang huling pag-uusap nila ay nang magpaalam siya rito na pupunta sa library. Akala niya nasa library rin si Iya.

“Tawagan mo Jose,” sabi ni Marie na parang maiiyak na.

Tinawagan ni Jose.

‘‘Ring lang nang ring,’’ sabi nito. “Walang sumasagot. Palagay ko naka-off.’’

“Diyos ko. Saan nagpunta iyon? Saan natin hahanapin si Iya.’’

Tuliro si Jose. Hindi malaman ang gagawin. Ano kaya at ireport na nila sa pulis? Pero baka lalong mapasama kung gagawin nila iyon. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with