^

True Confessions

Black Widow (152)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PAYAG sina Pau at Iya na mag-school bus. No problem daw.

“Okey lang sa inyo na hindi na hindi na namin ihahatid at susunduin?’’

“Okey lang po sa akin, Tito Jose,” sabi ni Pau.

“Ikaw Iya?’’

“Okey lang Dad. Puwede nga rin akong mag-commute lang. Alam ko naman ang pag-uwi,’’ sabi ni Iya. Seryoso ito.

“Huwag kang uuwi nang mag-isa. Kailangang magkasama kayo ni Pau.’’

“Paano kung late ang school bus? Or mag-decide  akong mag-library.’’

“Tumawag ka sa akin o kay Tita Marie mo. Let me know, okey?’’

“Okey Dad.’’

“Ikaw din Pau, huwag kang uuwi nang  nag-iisa. Tawagan mo rin ako o ang mommy mo.’’

“Okey po.’’

“Basta lagi kayong magkasama sa paglabas ng school. Mas mabuti yun para kung may mangyari, mayroong makakakita at magrereport.’’

Sumang-ayon ang dalawang bata.

“Sabagay, mahigpit naman sa inyong school at hindi basta pinalalabas ang estud­yanteng walang sundo. Ang school bus nga ay ipinapasok sa compound kaya safe ang students.’’

“Oo nga,” sabi naman ni Marie. “Hindi pinapayagang bumaba ang estudyante kahit pa nagpupumilit. Meron kasing estudyante na nakikiusap sa driver o konduktor na bababa at doon karaniwang may napapahamak.’’

“Huwag n’yong gagawin ang ganun.’’

Tumango ang da­lawa.

MINSAN, may ibinalita si Jose kay Marie.

“Matagal na raw absent si Jam. Sinabi sa akin ng head ng department nila. Kung may alam daw ba ako. Sabi ko’y wala.’’

Nag-isip si Marie.

“Baka maysakit?’’

“Sabagay, ano pa ba ang pakialam natin sa kanya?’’

“Oo nga. Bahala na siya sa buhay niya. Anuman ang gawin niya, wala tayong paki.’’

ISANG araw, nagmamatyag si Jam sa gate ng school nina Pau at Iya. Matagal na siyang nakatambay sa tindahan sa tapat. Nang makita si Iya, napangiti siya. Tagumpay ang plano niya!

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HUWAG

IKAW IYA

IYA

MATAGAL

OKEY DAD

OO

SABAGAY

TITA MARIE

TITO JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with