^

True Confessions

Black Widow (78)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PROBLEMADO si Marie kung paano sasabihin kay Jam na ayaw pumayag si Pete na ma­kita niya ang mga bata. Tiyak na itatanong nito kung bakit. Itatanong nito kung ano ang dahilan at ayaw ipakita ang mga anak. Sabihin ba niya ang mga ikinuwento ni Pete?

Mukhang wala siyang ibang magagawa kundi ang sabihin ang mga ikinuwento ni Pete.

Pero malaki pa rin ang paniniwala niya na hindi si Jam ang may kasalanan kaya nasira ang pamilya ng kaibigan. Kilala niya si Jam. Hindi nito kayang magtaksil. Siyempre, idedepensa ni Pete ang sarili para ang pagbuntunan ay si Jam.

Binalikan ni Marie­ ang mga nakaraan no­ong magkaopisina pa sila ni Jam. Pilit niyang inaalala kung mayroon nga itong karelasyon base sa mga kilos at pananalita. Wala naman siyang maalala. Sila lagi ang magkasama habang kumakain sa canteen. Magkasama sila sa pag­labas ng opisina tuwing hapon. Wala naman siyang nahahalata. Wala siyang napapansin na may sumusundong lalaki o kaya may kausap sa cell phone. Mahirap paniwalaan ang mga sinabi ni Pete na si Jam ang su­mira sa kanilang pamilya. Matino si Jam.

Kaya lamang ito nahumaling sa dancer sa gay bar ay dahil nga gus­tong makaganti kay Pete na nambababae raw ayon kay Jam. Nakipagrelasyon siya sa dancer at nabuntis. Nag­­hiwalay na sila ni Pete na noon daw ay may ibinabahay nang babae, ayon kay Jam. Hanggang sa ayaw nang ipakita sa kanya ang mga bata. Iyon ang problema ni Jam.

Ngayon ay pinag-aaralan ni Marie kung dapat na niyang sabihin kay Jam ang pasya ni Pete na ayaw ipakita sa kanya ang mga bata.

Nagpasya siyang sa­bihin iyon kay Jam.

Nagtungo siya sa bahay nito at sinabi ang pasya ni Pete.

“Ayaw ni Pete na ma­kita mo ang mga bata,” sabi niya.

Napatungo si Jam. Tu­mulo ang luha. Umagos sa pisngi.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYAW

BINALIKAN

HANGGANG

ITATANONG

JAM

MGA

PETE

SHY

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with