^

True Confessions

Black Widow (37)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KUNG anu-ano na naman ang naisip ni Marie na nangyari kay Jam kaya absent na naman ito. Nabisto na kaya siya ng mga anak na may karelasyon siya? O nahuli na siya ng mister na may lalaki? Sabagay kung nahuli siya ng kanyang mister na may lalaki, mas gusto nga niya iyon dahil naipamukha niya na kaya rin niyang gumawa nang ganoon at nakaganti na siya. O baka naman nagsasama na siya at ang lalaki. Sa huling pag-uusap nila, parang gusto nang makisama ni Jam kay Coco, ang dancer sa KAYUMANG­GING IBON. Na-inlab na siya sa dancer na malaki ang agwat ng edad sa kanya. Mahigit lang 20 si Coco ayon kay Jam. Baka nga nag­sasama na sila.

Napahinga nang ma­­lalim si Marie. Tiyak na siya na naman ang tatanungin ng kanyang boss kapag nakitang wala na naman si Jam. Palibhasa’y siya ang tanging kaibigan ni Jam kaya siya ang laging tinatanong.

Kinabukasan, wala pa rin si Jam. At tama ang hula niya na siya ang tatanungin kung bakit wala ito.

Ang mismong boss ang kumausap sa kanya. Pinatawag siya sa opisina nito.

“Alam mo ba kung bakit wala si Jam, Marie? Mag-iisang linggo na siyang absent at walang notice. Paki-message mo siya at baka mapansin na siya ng HR e tuluyan na siyang sibakin. Ayaw kong mangyari sa kanya iyon, kaya please ikaw na ang bahalang kumausap.’’

“Yes Sir. Pupuntahan ko na po siya bukas sa bahay niya.’’

“Please Marie. Sa­yang naman kung ma­­wawalan siya ng work.’’

“Opo Sir.’’

KINABUKASAN, Sabado, pinuntahan ni Marie si Jam sa bahay nito. Kailangang maipaalam niya rito ang sinabi ng kanilang boss.

Nang makarating sa bahay ni Jam, nagtaka si Marie dahil parang inabandona na ang bahay. Saradung-sarado. Nang tanawin niya ang may pintuan ay maraming laglag na dahon at mga papel. Ibig sabihin niyon, walang naglilinis. Wala ngang tao.

Nagbakasakaling tumawag siya. Walang sagot. Wala ngang tao! Ano kayang nangyari kay Jam?

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

JAM

NANG

OPO SIR.

PLEASE MARIE

SHY

SIYA

WALA

YES SIR. PUPUNTAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with