^

True Confessions

Black Widow (32)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT ka tumitingin sa labas kung wala kang tinitingnan?” Tanong ni Pau kay Marie. Matalas talaga  ang pakiramdam ng anak niya dahil lahat ay nakikita.

“Tinitingnan ko lang yung suot na sapatos nung batang babae?’’

“Sino yung may kasamang tatay?’’

Napasubo na si Marie.

“Oo.’’

“Si Iya?’’

Nagulat si Marie. Hindi niya akalaing kilala ni Pau ang batang babae na kasama ang tatay.

Hindi nagpahalata si Marie. Matalas ang pakiramdam ng anak.

“Maganda ang sapatos niya at iyon ang tinitingnan ko.’’

“Maganda rin naman ang sapatos ko ah. Mahal ito di ba?’’

“A oo. Mahal nga yan. Pero gusto ko kasi ibili ka ng isa pa para may pamalit. Kaya ko tinitingnan ang sapatos ng bata. Kilala mo pala yun. Kaklase mo siya.’’

“Hindi. Section 1 yun. Matalino.’’

“Matalino ka rin naman ah!’’

“Hindi naman masyado.’’

Inakbayan ni Marie ang anak.

Wala nang sinabi pa si Pau tungkol kay Iya.

Hanggang sa makauwi na sila ng bahay.

MARAMING napapansin si Marie sa kaibi-gang si Jam. Mula nang nahilig ito sa pano­nood sa KAYUMANGGING IBON ay parang nag­bago sa pananamit. Nagtataka siya. Dati ay hindi nasisilayan ang cleveage nito pero nga-yon ay naka-plunging neckline at maikli ang palda. Nagpapaseksing masyado. Hindi kaya, siyo­ta na niya ang isa sa mga dancer sa KAYUMANGGING IBON?

Hindi naman niya matanong ang kaibigan. Baka sabihan pa siyang pakialamera. (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

DATI

HANGGANG

HINDI

INAKBAYAN

ITUTULOY

MAGANDA

MATALAS

MATALINO

SI IYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with