^

True Confessions

Black Widow (29)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KAKAIBA na ang nararamdaman ni Marie sa kaibigang si Jam kung bakit nahihilig sa panonood sa KAYUMANGGING IBON. Hindi na ang paghihiganti sa asawang kaliwete ang ang nakikita niyang numero unong dahilan kung bakit palagi sa gaybar. May gusto siyang i-takeout sa mga machong nagbububuyangyang ng ‘‘ibon’’. Sana ay mali siya sa hinala pero bihi­ra siyang magkamali sa kutob. Bakit gusto niyang araw-arawin ang pagtu-ngo sa KAYUMANGGING IBON? Iyon ang katiba-yan na mayroon siyang pinu-prospect na macho dancer.

Natatandaan ni Marie nang huli silang magtungo sa gaybar, napagmasdan niyang titig na titig si Jam sa isang dancer. Hindi nito hinihiwalayan ng tingin. Pagkit na pagkit ang tingin niya sa macho na para bang gusto na niyang lapitan at kung ano ang gawin. Siguro kung hindi siya kasama ng gabing iyon, baka naglagay o nag-ipit din ng pera si Jam sa bikini ng macho. Pakiramdam ni Marie, gusto nang tumayo ni Jam at makalapit sa macho na nagpapalabas ng ‘‘ibon’’. Tantiya niya, mahina ang P1,000 na iipit sa bikini ng macho. Sulit naman iyon dahil baka masanggi niya ang ulo ng ‘‘ibon’’.

At naisip ni Marie, anong malay niya kung kunwari lamang ang pagtatampo ni Jam sa kanya nang hindi siya sumama rito. Baka nga gusto ni Jam na solo flight siya para walang makakita sa ‘‘pagwawala’’ niya. Kung kasama siya, hindi mailalabas ni Jam ang nararamdaman sa machong dancer. Siguro’y bigay na bigay si Jam kung nag-iisang nanonood sa KAYUMANGGING IBON. Mabuti nga at tumanggi siya sa pagyayaya nito.

Sa totoo lang, nalalas­waan siya. Kahit na tatlo na ang napangasawa niya, hindi siya kampanteng makakita ng lalaking naglalantad ng ‘‘ibon’’. Sa totoo rin lang, hindi niya ga­nap na nakita nang malapitan ang mga ‘‘ibon’’ nang mga nasirang asawa. Kaya hindi niya gaanong maikumpara kung kaninong ‘‘ibon’’ ang da best. Siguro ay kay Mark dahil ito ang nakabuntis sa kanya at naka­pagbigay ng anak – si Pau nga.

Kung yayayain muli siya ni Jam sa panonood sa KAYUMANGGI, tatanggi uli siya. Kahit pa magtampo siya. Pero siguro, hindi na siya nito yayayain.

ISANG araw, nagpasundo uli sa school ang anak na si Pau. Napaaga ang punta niya sa school kaya tumambay na naman siya sa waiting area. May mga magulang din na naghihintyay doon.

Hanggang sa makita niya uli ang lalaking nakita na noon. Naghihintay din ang lalaki. Sunud-sunod ang pagtambol sa puso ni Marie.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKIT

HINDI

IBON

JAM

KAHIT

KUNG

NIYA

SIGURO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with