^

True Confessions

Black Widow (28)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“JAM!” Tawag ni Marie sa kaibigan.

Binilisan ni Jam ang paglalakad. Naiwan si Marie.

“Jam sandali! Jam!

Pero mabilis na nakalayo si Jam. Nagtampo na.

Hindi na humabol si Marie. Masyado na siyang OA kung hahabol pa sa kaibigan. Dapat manindigan din siya. Hindi sa lahat nang oras ay aayon siya sa gusto ng kaibigan.

May dahilan naman siya kung bakit tumanggi siyang sumama sa panonood sa KAYUMANGGING IBON. Kailangang makauwi siya nang maaga dahil ihahanda pa niya ang isusuot ni Pau sa foundation day bukas. Kawawa naman ang anak niya kapag ginabi siya ng uwi. Hindi niya maipagpapalit ang kapakanan ng kanyang anak sa panonoorin nila. Isa pa, nalalaswaan talaga siya sa panoorin. Ayaw niya ng ganoon. Parang hayok ang mga nanonood!

Dama niya, kaya nahilig si Jam sa panonood sa KAYUMANGGING IBON ay para maipakita sa asawa nito na kaya rin niyang magwala. Kung ang lalaki ay maaaring manood ng mga nakabuyangyang na pechay, ang babae ay puwede rin manood nang nakabuyangyang na talong.

Pero ngayong halos sunud-sunurin ni Jam ang panonood sa KAYUMANGGING IBON, iba na ang nadadama niya sa kaibigan. Parang gusto na nitong mag-take-out ng “ibon”. Iyon ang nakikita niya sa kilo­s ­ng kaibigan.  (Itutuloy)                                          

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYAW

BINILISAN

DAPAT

ISA

ITUTULOY

JAM

NBSP

NIYA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with