^

True Confessions

Sinsilyo (210)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAHIT ano gagawin mo Tatang Dune?’’ tanong ni Lyka na nakangiti at na-ngingislap ang mga mata.

‘‘Oo. Basta magsama tayo.’’

“Kahit na ano?’’

“Oo nga. Para ka namang binibiro.’’

“E kung ang ipagawa ko sa’yo ay…’’ Ibinitin ni Lyka ang sasabihin.

“Ay ano?’’

Sa halip sabihin, ibinulong muli ni Lyka. Ganito rin ang ginawa niya noong una silang mag-usap ni Lyka ukol kay Mau.

Shock si Kastilaloy sa sinabi ni Lyka. Kung na-shock siya sa unang plano ni Lyka para kay Mau, mas kahindik-hindik ngayon. Pero maaari niyang magawa alang-alang kay Lyka.

“Kaya mong gawin ang ibinulong ko Tatang?’’

“Oo,” sabing walang kagatul-gatol ni Kastilaloy. “Gagawin ko alang-alang sa’yo. Naaawa nga ako sa’yo. Binubugbog ka ni Mau gayung dapat ay minamahal ka at pinagli-lingkuran.’’

Napatitig si Lyka kay Kastilaloy. Parang hindi ma­kapaniwala sa sinabi ni Kastilaloy. Gagawin nito ang anumang iuutos niya dahil naaawa sa kanya. Talaga yatang ‘‘tinamaan’’ ang matanda sa kanya. Parang hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa ng matanda ang iuutos niya. Kaya nga kaya ni Tatang Kandoy ang pinatatrabaho niya?

‘‘Kung ganun ‘yung unang plano ay balewala na, Lyka?’’

“Oo naman. Sa isang plano na tayo mag-concentrate.’’

“Kailan ko sisimulan, Lyka?’’

“Teka, ikaw na ang mag-isip ng paraan kung paano isasagawa ang plano.’’

“Akong bahala.’’

“Ano ang nasasaisip mong paraan, Tatang?

“Walang pinakama­ganda kundi lason.’’

“Lason? Baka maa-moy ni Mau. Matalas ang pandinig niyon? Delikadong masabit ako.’’

‘‘Mas madaling maisa­gawa ang paglalagay ng lason. Iglap lang at tapos na. E ikaw anong balak mong gawin. Lyka?

“Riding-in-tandem. Bang! Bang!

“Delikado Lyka. Makita ang plate number ng motor, huli na ang assassin.

“Sige ikaw na ang bahala, Tatang.

‘‘Kailan gagawin?’’

“Baka bukas matuloy na.” (Itutuloy)

vuukle comment

DELIKADO LYKA

GAGAWIN

KAILAN

KASTILALOY

KAYA

LYKA

OO

TATANG

TATANG DUNE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with