^

True Confessions

Sinsilyo (170)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI kumikilos si Lyka. Magpapakipot pa siya kunwari kay Tatang Dune Kastilaloy. Hindi muna niya ipakikita ang hinihiling nito. Kailangang makasiguro siya na tutuparin ng matanda ang pi­nag-usapan nila.

“Ipakita mo na, Lyka. Sige na at baka bumalik ang mga sinberguenzang mga matatanda,’’ sabi ni Kastilaloy na hinahabol pa rin ang paghinga dahil marahil sa nangyari kanina.

“Okey ipakikita ko pero gusto kong maka-tiyak na tutupad ka sa kasunduan natin.’’

“Oo tutupad ako, sige na ipakita mo na ‘yan!’’

“Tandaan mo, wa­lang malalaman si Mau ukol sa ginagawa ko kay Gaude at ang tungkol sa mga barya at ang mahalaga, dagdagan mo ang mga bar-yang yan. Kaunti ‘yan!’’

“Oo matutupad. Da­dagdagan ko yan. Marami akong nakatago. Lahat ibibigay ko sa’yo.’’

“Marami kang nakatagong barya?’’

“Oo! Baka nasa li­mang sako na ang mga nakatago kong barya!’’

Nag-isip si Lyka. Marami rin pala siyang mahuhuthot sa matandang ito. Kailangang ta­kawin pa niya. Hindi muna niya ipakikita lahat ang nasa loob ng tuwalya. Medya-med­ya lang muna. Gaano karami ang limang sakong barya. Baka milyon na yun. Magiging mil­yonarya siya na walang kahirap-hirap!

“Ano Lyka, ipasilip mo na ‘yan!’’

“’Yung pinag-usapan natin ha? Baka traidurin mo ako.’’

“Hindi ako traidor, malibog lang!’’

Napangiti si Lyka. Paglalaruan niya ang matandang ito. Uumpisahan na niya ngayon.

Dahan-dahang inalis ni Lyka ang pagka­kasuksok ng dulo ng tuwalya sa dibdib. Hi­nawakan ang dulo. Tiningnan si Kastilaloy.

‘‘Tuparin mo ang pinag-usapan natin ha?’’

“Oo sige, ibuka mo na ‘yan.’’

Dahan-dahang ibi­nuka ni Lyka ang tuwalya. Sabik na sabik ang nakalarawan sa mukha ni Kastilaloy. Suspense na suspense siya. Mas maganda pala pagka­harap ang sisilipan. Nag­sasawa na siya sa pagsilip sa butas sa ban­yo. Mas nakaka-atat pala kapag malapitan.

Ibinuka ni Lyka ang tuwalya. Pero style na pagpapatakaw. Ipinasilip niya ang puno ng dibdib. Hindi kumukurap si Kastilaloy.

Tapos ay dahan-dahang nilantad ang dibdib. Unti-unti. Parang nanonood ng slides. Tatakawin lang niya. Hindi niya ibubuhos lahat. (Itutuloy)

vuukle comment

ANO LYKA

DAHAN

KAILANGANG

KASTILALOY

LYKA

MARAMI

NIYA

OO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with