^

True Confessions

Sinsilyo (147)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PAGPASOK ni Gaude sa bahay, sinalubong siya ni Mau at walang sabi-sabing inupakan ng suntok sa mukha.

“Um!”

Nabigla si Gaude at nakakita ng mga estrelya. Parang may bumagsak na hollow block sa mukha niya. Halos hindi niya namalayan kung saan nanggaling ang suntok.

“Walanghiya ka! Pinag-aral kita at pinakain dito tapos tutuklawin mo pala ako!” sabi ni Tito Mau at akmang susugurin pa si Gaude para upakan.

“Huwag po Tito Mau! Huwag po!”

“Walanghiya ka, akala ko ang tino-tino mo. Nasa loob pala ang kulo mo! Sayang lang ang ginastos ko sa pag-aaral mo. Sayang lang ang pinakain ko sa’yo.’’

Inupakan pa siya ni Mau at tinamaan ng suntok sa balikat at ulo. Napahandusay na si Gaude sa suwelo. Sinasangga ang suntok ni Mau.

“Huwag po Tito Mau! Huwag po! Maawa ka po Tito Mau!”

“Pinakialaman mo ang asawa ko ano? Pinu-wersa mo ano? Tinutukan mo ng patalim.’’

“Hindi po! Hindi po!”

“Walanghiya ka, sinungaling ka pa! Pinasok mo si Lyka sa kuwarto at may nangyari sa inyo. Pinilit mo. Umamin ka na! Umamin ka na!”

“Hindi po Tito Mau. Wala po akong ginagawa!’’

“Umamin ka na! Pinasok mo si Lyka! Pinasok mo!”

“Hindi po Tito Mau. Si Tita Lyka po ang pumasok sa kuwarto ko!’’

Nang bigla ay lumabas si Lyka sa kuwarto nito na umiiyak.

“Oo Mau, pinasok nga ako ni Gaude. Tinutukan ako ng patalim at binantaang papatayin kapag hindi ko siya pinagbigyan. Wala akong nagawa. Takot na takot ako!’’

Lalo pang nanlisik ang mga mata ni Mau at inu­pakan pa si Gaude. Nagmakaawa si Gaude. Magang-maga na ang mga mata at pisngi nito. Dumudugo ang ilong.

“Papatayin kita!’’

“Huwag po! Huwag po!”

Nagsalita si Lyka.

“Kapag napatay mo ‘yan, makukulong ka! Pala­yasin mo na lang dito. Hindi  na baleng ginahasa niya ako. Magtitiis na lang ako sa nangyari sa akin. Palayasin mo na lang ang rapist na ‘yan!’’

Nag-isip si Mau. Matalim ang pagkakatingin kay Gaude.

“Layas! Layas!” sabi kay Gaude.

(Itutuloy)

vuukle comment

GAUDE

HUWAG

LYKA

MAU

PINASOK

TITO MAU

UMAMIN

WALANGHIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with