^

True Confessions

Sinsilyo (142)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKATINGIN lang si Gaude kina Lolo Kandoy at Lolo Dune Kastilaloy habang nagpapambuno. Hindi siya makakilos dahil sa bilis ng pangyayari. Naupakan ni Lolo Kandoy ng suntok sa mukha si Kastilaloy. Pero nakaganti rin si Kastilaloy at nasapak si Lolo Kandoy. Palibhasa’y matatanda na kaya humihingal ang dalawa sa salpukan. Parang hinihika si Kastilaloy habang nakikipagpalitan ng suntok kay Lolo Kandoy. Isang suntok pa ni Lolo Kandoy ang tumama sa tiyan ni Kastilaloy na ikinaatras nito. Tulig. Namutla.

“O ano lalaban ka pa?” sabi ni Lolo Kandoy na sunud-sunod ang paghingal. “Wala kang alam awayin kundi si Gaude. Ano laban ka pa?”

Pero walang maisa­got si Kastilaloy. Tiklop ito.

“Akala mo kung sino kang hari dito! Kung tawagin mo kami mga estupido at tonto. Ikaw naman duwag!’’

Kumilos si Kastilaloy. Humakbang palayo sa dalawa.

“Kastilaloy na duwag! Bumalik ka at babangasin ko ang nguso mo!” sabi ni Lolo Kandoy na humihingal pa rin.

Pero tuluy-tuloy na si Kastilaloy sa paglala­kad patungo sa kusina, hanggang makalabas.

Hinarap ni Lolo Kandoy si Gaude. Parang wala sa sarili si Gaude. “Anong nangyari at nagsisigawan kayo kanina?” tanong ng matanda.

Huminga muna si Gaude bago ikinuwento ang nangyari.

“Bina-blackmail ako Lolo Kandoy. Akala niya may ginagawa kami ni Lyka sa kuwarto. Sabi ko isumbong na niya ako kay Tito Mau. Hindi ako natatakot dahil wala naman akong ginagawang mali.’’

“Tama yun. Kung wala kang ginagawang masama, wala kang dapat ikatakot. Hayaan mo siyang magsumbong. Pero wala naman si Mau di ba? Paano ka ma­i­susumbong?’’

Hindi sumagot si Gau­de. Nag-iisip.

“Pero totoo bang inu­ubos na ni Lyka ang  mga baryang pinagpa-limusan namin?”

Tumango si Gaude.

“Dapat malaman yan ni Mau.’’

“Isusumbong ko na nga po siya pero tinatakot ako Lyka. Masama raw ang mangyayari.’’

Nag-isip si Lolo Kandoy.

“Huwag kang matakot, basta pagdating ni Mau, unahan mo na. Isumbong mo na lahat. Di ba ‘yan ang payo ko sa’yo noon pa.’’

“Opo.’’

“Gawin mo at nasa likod mo ako.’’

ISANG umaga, kumakain si Gaude nang lapitan ni Lyka.

“Dumating na si Mau. Huwag kang magsusumbong kahit ano. Malilintikan ka!”

(Itutuloy)

vuukle comment

GAUDE

HUWAG

KANDOY

KASTILALOY

LOLO

LOLO DUNE KASTILALOY

LOLO KANDOY

LYKA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with