^

True Confessions

Sinsilyo (132)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KUNG hindi ka ba-ding, sige nga ipakita mo sa akin,” sabi pa ni Lyka at nagtawa. Malanding-malandi ang tawa nito na para bang hinahamon ang pagkalalaki ni Gaude.

Nag-iinit na ang puno ng taynga ni Gaude. Ano kaya at ipakita niya kay Lyka na hindi siya bading gaya ng sinasabi nito. Kung ilabas kaya niya ang kanyang “hinaharap” para makita ni Lyka at nang tumigil na ito sa pagsasabing “bading” siya.

Pero nanaig pa rin ang katinuan sa kanya. Bakit niya papatulan si Lyka sa mga sinasabi nito. Hindi siya dapat magpata-ngay sa mga sinasabi ni Lyka. Kapag pinatulan niya at may nangyari sa kanila ni Lyka, tapos na ang carreer niya. Tiyak na hindi siya mapapatawad ni Tito Mau. Ililigtas naman tiyak ni Lyka ang sarili. Siya ang ididiin ni Lyka at sa dakong huli, siya ang kawawa. Palalayasin siya ni Tito Mau at babalik siya sa probinsiya na walang dala kundi “itlog”. Ayaw niyang mangyari iyon. Nasa kanya kung paano makakaiwas sa panunukso ni Lyka. Matino siya at kaya niyang maiwasan at labanan ang sinumang sisira sa kanya.

Sa halip na pansinin o tumingin kay Lyka, ipinagpatuloy niya ang pagbibilang sa barya. Tatapusin niya ang pagbibilang ayon sa hinihiling na halaga ni Lyka. Susunod siya sa sasabihin nito pero hindi sa panunukso nito.

“O ano Gaude, pa­tu­nayan mong hindi ka bading,” sabi ni Lyka at lalo pang nilandian ang boses.

Pero tila wala nang naririnig si Gaude. Nakapokus siya sa bini-bilang.

“Halika rito, Gaude. Magtabi tayo. Ibibigay ko na ang premyo kahit hindi mo pa natatapos ang binibilang mo. Halika na!”

Pero matibay si Gau­de. Hindi siya magpapatalo sa su-mi­sira sa kanya. Hindi siya magpapatalo.

“Kailangan siguro, hubarin ko na ang pantulog ko. Kasi hindi mo ako pinapansin…’’

Napalunok si Gaude. Ayaw tala-gang tumigil ni Lyka. Gusto yata siya ni Lyka.

Hanggang sa maramdaman niyang kumilos si Lyka. Hinuhubad na ang pantulog.

Pero balewala kay Gaude. (Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

GAUDE

HALIKA

LYKA

NIYA

PERO

SIYA

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with