^

True Confessions

Sinsilyo (117)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SINUNDAN ng tingin ni Lolo Dune Kastilaloy si Lyka habang patungo na ito sa kuwarto. Malaki ang pagkakangiti ni Kastilaloy – abot hanggang taynga. Mayroon siyang binabalak laban kay Gaude. Isusumbong ko si Gaude kay Mau! Palalayasin siya rito! Makakaganti na ako!

Sasabihin niya kay Mau na nakita niya si Lyka na lumabas sa kuwarto ni Gaude sa dis-oras ng gabi. Tiyak na mayroon silang ginawa. Ano ang gagawin ng babae sa kuwarto ng lalaki? Hindi naman siguro sila magkukuwentuhan lang. Hindi naman siguro magpapaturo ng leksiyon si Gaude kay Lyka.  Basta sasabihin niya kay Mau na mayroong “milagrong” ginagawa sina Lyka at Gaude.

Napangiti si Kastilaloy. Kapag pinalayas si Gaude, lahat ay maaari na niyang gawin. Siya na rin ang pag-iingatin ni Mau ng mga barya. Siya na ang bahalang magbilang ng mga ito. Marami rin siyang maisusubi. At dahil wala na si Gaude, tuloy lang ang paninilip niya kay Lyka. Wala nang sagabal sa anumang gusto niyang gawin sa bahay na ito!

Nang mga sandali namang iyon ay balisa si Gaude. Hindi siya makatulog dahil sa nangyari kanina. Kapag nalaman ni Tito Mau na nakapasok si Tita Lyka, baka palayasin na siya. Nagsisisi siya kung bakit hindi naipaglaban na huwag papasukin si Tita Lyka. Bakit hindi niya ito naharang nang pumasok? Nag-aalangan kasi siya. Kung itutulak niya ito ay baka kung ano ang mangyari. Baka matumba at mabagok ang ulo.

Ngayon ay marami nang alam si Lyka ukol sa mga barya. At ang isang ipinagtataka niya, siya pa ngayon ang lumalabas na natatakot kay Lyka at baka isumbong siya kay Mau. Baliktad ang nangyari. Pero sabi ni Lyka, wala siyang sasabihin kay Mau basta’t sundin lang niya (Gaude) ang lahat nang hihilingin. Ano kaya ‘yun?  (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

GAUDE

KAPAG

KASTILALOY

KAY

LOLO DUNE KASTILALOY

LYKA

NIYA

SIYA

TITA LYKA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with