^

True Confessions

Sinsilyo (97)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGULAT si Lyka nang makitang nakasabit ang kanyang panty sa door knob. “Bakit nakasabit diyan ang panty ko?”

Taranta si Gaude. Hindi niya alam. Hindi agad makasagot dahil sa pagkabigla.

“Nakapatong yan sa tangke ng inidoro  e bakit nandiyan na?’’

“Hindi ko po alam, Tita Lyka.’’

“Mayron bang ibang pumasok dito?”

Sinabi ni Gaude na si Lolo Dune ang pumasok at gumamit sa banyo.

Napatangu-tango si Lyka, “Hmmm, bakit kaya isinabit dito sa door knob?” sabi at ki­nuha ang panty. “Hindi ikaw ang nagsabit nito Gaude?”

“Hindi po Tita Lyka!”

“Baka ikaw ha?”

“Hindi po, Tita!’’

Napangiti si Lyka.

“Sige, Gaude. Baka nga hindi ikaw ang nagsabit nito. Baka lang…’’

Umalis na si Lyka. Naiwang nag-iisip si Gaude. Pinaghihinalaan pa siya. Sabagay, siya lang naman ang alam ni Lyka na ma­aaring pumasok sa banyo. Hindi nito alam na ginamit din ni Kastilaloy.

Tiyak na si Kastilaloy ang nagsabit ng panty sa door knob. Wala namang iba pang pumasok dun. Sinadya kaya ni Kastilaloy? Bakit kaya isinabit dun? May ginawa kaya ito sa panty? Baka inamuy-amoy?

Nilinis niya ang banyo. Habang nililinis, nag-aalala siya na baka isumbong ni Lyka kay Tito Mau ang tungkol sa panty. Baka siya ang iturong nakialam sa panty. Baka pagalitan siya ni Tito Mau.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKA

BAKIT

KASTILALOY

LOLO DUNE

LYKA

PANTY

TITA LYKA

TITO MAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with