^

True Confessions

Sinsilyo (96)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa lumalabas sa banyo si Lolo Dune Kastilaloy at nababahala na si Gaude. Hindi siya mapalagay habang may ginagawa sa kusina. Baka biglang gumamit si Tito Mau ng banyo at magtaka ito kung bakit may tao sa loob. Tiyak na siya ang tatanungin kung bakit hinayaang gumamit ng banyo ang matanda gayung may banyo naman sa labas. Baka siya pa ang mapagalitan.

Hanggang sa marinig niya ang pagbubukas ng pinto ng banyo. Nakita niya ang paglabas ni Lolo Kastilaloy sa banyo. Nakangiti si Kastilaloy. Nagtaka si Gaude kung bakit nakangiti ang istriktong matanda. Ngayon lang niya nakitang ngumiti ang matanda. Parang nasiyahan habang nasa loob ng banyo. Baka nagbawas kaya naging maganda ang pakiramdam.

Pero mabuti at lumabas na ito bago malaman ni Tito Mau.

Tinungo ni Kastilaloy ang pintuan sa likod at lumabas na. Nakangiti pa rin habang papalabas.

Agad namang tinungo ni Gaude ang banyo para linisin. Tiyak na may dumi ang banyo makaraang gamitin ng matanda. Kailangang linisin niya iyon bago pa lumabas si Tito Mau. Kapag nakitang marumi ang banyo ay siya ang tatanungin. Ayaw ni Tito Mau na marumi ang banyo. Ayaw din nito na may amoy panghi ang banyo.

Nang buksan niya ang banyo ay wala naman siyang naamoy na kakaiba. Amoy sabon naman. Malinis din ang inidoro. Iginala niya ang mga mata. Hanggang sa mapansin ang itim na panty ni Lyka. Hindi na nakapatong sa tangke ng inidoro ang panty kundi nakasabit na sa door knob. Bakit napunta roon ang panty? Natatandaan niya, ibinalik niya ito sa ibabaw ng tangke. Hindi siya maaa-ring magkamali. Hindi pa naman siya makakalimutin kaya tandang-tan-        da niya na ibinalik niya sa ibabaw ng tangke ang panty.

Si Lolo Dune kaya ang nakialam? Isinabit nito sa door knob? Bakit kaya? Napansin ni Gaude na iba rin ang pagkakasa­bit ng panty sa door knob. May ginawa kaya sa panty si Kastilaloy? Iyon kaya ang dahilan kaya ito nakangiti nang lumabas kanina?

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may tumawag sa kanya.

“Gaude!”

Napapitlag si Gaude.

Nang tingnan niya kung sino ang tumawag, si Lyka!

“Gaude, naiwan ko ang panty ko! Nakapatong sa tangke!”

(Itutuloy)  

 

vuukle comment

AYAW

BAKIT

BANYO

GAUDE

HANGGANG

KASTILALOY

KAYA

NIYA

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with