^

True Confessions

Sinsilyo (88)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAY problema ba Mau?’’ tanong ni Kyla nang lumapit. Yuma-kap kay Mau.

‘‘Ha? A wala. May­­roon lang kaming pinag-uusapan ni Gaude.’’

“A akala ko mayroong masamang nangyari.’’

“Wala. Halika na nga. Sige Gaude, ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo.’’

‘‘Opo Tito Mau.’’

Bago umalis, sumul­yap muna si Kyla kay Gaude.

Ipinagpatuloy ni Gaude ang ginagawa.

Wala ring nangyari sa isinumbong niya. Pero okey na rin na na­laman agad ni Tito Mau bago makapagsumbong si Lolo Kastilaloy. Pero kahit na sinabi niyang si Kastilaloy ang nag-umpisa dahil gustong pumasok, si Lolo Kandoy pa rin ang sinisisi. Basagulero raw. Kawawa naman si Lolo Kandoy na laging kinaiinisan ni Tito Mau. Bakit kaya hindi magawang pagalitan o pagsabihan man lang si Kastilaloy. Takot siguro si Tito Mau kay Kastilaloy kaya wala man lang ginagawa.

Kung minsan, hindi parehas si Tito Mau. Kung sino pa ang pina­kikinabangan ay siya niyang kinaiinisan. Kung wala si Lolo Kandoy at iba pang matatanda, baka hindi siya kumain sa oras. Sina Lolo Kandoy ang nagpapakahirap sa pagpapalimos pero tila balewala sa kanya at kung sino ang hindi nakakatulong kagaya ni Kastilaloy ang kanya pang kinakampihan. Hindi parehas si Tito Mau. Sana naman, dumating ang araw na makapag-isip si Tito Mau at maging parehas sa pagtingin. Kahit ipinaliwanag niya na kaya sinuntok ni Lolo Kandoy si Kastilaloy ay dahil gusto nitong pumasok sa kuwarto at nanulak pa, parang balewala lang. Kawawa naman si Lolo Kandoy na laging napagbubuntunan ng sisi.

Nasa ganoong pag-iisip si Gaude nang may tumawag sa kanya. Nang tingnan niya kung sino, si Lolo Kandoy pala. Nila- pitan niya ang matanda na tila naghihintay ng resulta sa nangyari sa kanila ni Kastilaloy.

‘‘Sinabi ko na po kay Tito Mau, Lolo Kandoy. Alam na niya ang lahat.’’

‘‘Tiyak sa akin galit ano?’’

‘‘Hindi naman. Wala lang.’’

‘‘Anong sabi?’’

“Wala raw siyang maisip na paraan kung paano kayo pagbabatiin.’’

“Naku, huwag na niyang isipin ‘yun. Wala ring mangyayari.’’

“Basta ipalagay mo nang loob mo Lolo. Kahit magsumbong si Kastilaloy nang sobra-sobra kay Tito Mau, panis na yun dahil nai-sumbong ko na.’’

“Salamat Gaude.’’

“Iwasan mo muna si Kastilaloy, Lolo.’’

‘‘Bahala na. Kapag siya ang nag-umpisa, hindi ko mapapalampas. Uupakan ko.’’

ISANG umaga na may ginagawa si Gaude sa kusina, dumaan si Kyla.

‘‘Hi, Gaude. Ang sipag mo naman.’’

Ngumiti lamang si Gaude.

‘‘Maliligo ako Gaude.’’

Tumango si Gaude.

(Itutuloy)

vuukle comment

GAUDE

KANDOY

KASTILALOY

LOLO

LOLO KANDOY

MAU

TITO

TITO MAU

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with