^

True Confessions

Sinsilyo (54)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAY hawak nang lata si Lolo Kandoy habang naglalakad palayo. Wala na ang bitbit na plastic bag. Ano ka-yang gagawin sa lata?

Iyon ang katanu-ngan ni Gaude habang tinatanaw palayo si Lolo Kandoy at nasa direksiyon na patungong Es­paña Blvd. Maraming beses na niyang narinig kay Lolo Kandoy na patungo siya sa España at nangyayari iyon tuwing a-kinse at a-treinta. Pero may pagkakataon na nakikita niyang luma­labas din ang matanda kahit hindi a-kinse at a-treinta.

Nang tingnan muli niya ang matanda, malayo na ito. Hanggang sa hindi na niya maabot ng tingin. Ipinasya niyang pumasok na sa loob ng school. Eksakto ala-una na. Masakit ang araw sa balat. Naalala niya ang sinabi ni Lolo Kandoy na bukas na raw siya nito bibigyan ng baon. Hindi nalilimutan ni Lolo Kandoy ang kinaugaliang pagbibigay sa kanya. Mabait talaga sa kanya ang matanda. Kaya nga kahit na ano pa ang gawing paninira o pagbibintang dito ay hindi siya naniniwala.

Nang umuwi siya ng hapong iyon, tinungo agad niya ang kuwarto ni Lolo Kandoy at sinilip ito. Wala pa.

Nakapaghanda na siya ng hapunan ay wala pa rin si Lolo Kandoy. Napapansin niya na inaabot ito ng gabi kapag a-kinse at a-treinta ng buwan. At naisip muli niya ang lata na dala kanina ni Lolo Kandoy. Nagtataka talaga siya.

Pasado alas otso na ng dumating si Lolo Kandoy. Kahit na sinad­yang dinahan-dahan nito ang pagbubukas ng gate, narinig pa rin niya. Sumilip siya sa bintana at nakita ang matanda. Napansin niya na walang dalang lata pero may bitbit na plastic bag. Palagay niya, nasa bag ang lata. Isinilid doon para walang makakita.

Napansin din niya na parang hirap sa pag­lakad ang matanda. Parang maraming laman ang bulsa. Pumasok ang matanda sa gate na ipinagawa ni Tito Mau.

Naisip ni Gaude, ano kaya at sundan niya si Lolo Kandoy sa kuwarto nito. Titingnan niya kung ano ang ginagawa. At gusto niyang malaman kung ano ang laman ng plastic bag. Yun ka-yang lata?

Tinungo niya ang ki­naroroonan ni Lolo Kan­doy. (Itutuloy)

vuukle comment

KANDOY

LOLO

LOLO KAN

LOLO KANDOY

NANG

NAPANSIN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with