^

True Confessions

Sinsilyo (53)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“WALA naman pong sinabing pangalan, Lolo Kandoy. Basta mayroon daw pumasok sa kuwarto niya habang siya ay nasa Baguio at nagbago ang pagkakaayos ng mga lata sa ilalim ng kama niya,” sagot ni Gaude.

“Kahit na hindi siya nagsabi ng pangalan, ako tiyak ang tinutukoy niya. Wala naman siyang alam pagbinta-ngan kundi ako.’’

“Yun po ang dahilan kaya ako nagtanong kung nakapasok ka na sa kuwarto ni Tito Mau.’’

“Minsan nga lang yun. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagpunta roon. Basta may dinala ako.’’

Hindi umimik si Gau­de. Nakatingin lang kay Lolo Kandoy. Ba’t kaya hindi maaalala kung bakit siya pumasok sa kuwarto ni Tito Mau. Hindi siguro mahalaga ang dinala niya kaya hindi maalala.

“Ah, alam ko na!’’ Big­lang nasabi ng matanda.

“Ano po yun?’’

“Dinala ko ‘yung tsinelas niya! Tinahi ko yung tsinelas niyang pangkuwarto dahil nakanganga na! Iyon ang dahilan kaya ako nagpunta.’’

“Naroon po sa loob si Tito Mau?’’

‘‘Wala! Basta iniwan ko ang tsinelas at lumabas na agad ako.’’

Tumango na lang si Gaude.

‘‘Pero mula nun, hindi na ako nagpunta pa sa kuwarto. Kasi’y parang nagbago na si Mau sa akin. Basta naramdaman ko ang pagbabago niya.’’

Tumango uli si Gau­de.

‘‘Pero mayroon akong hinala na may nagsusulsol sa kanya kaya ganun ang ipinakikita sa aking ugali. May tao na gusto akong siraan. Pero kahit na ganun ang pakita sa akin ni Mau, okey lang. Tinatanaw kong malaki ang pagkupkop niya sa akin. Kung hindi niya ako kinupkop ay baka, paka­lat-kalat ako sa kalye.’’

Natanaw ni Gaude ang school niya. Malapit na sila.

‘‘Sige Lolo, mag-ingat ka. Saan ka ba pupunta?’’

‘‘Diyan lang sa tabi-tabi.’’

‘‘Sige po.’’

‘‘Bukas na kita bibigyan ng baon ha?’’

“Opo.’’

Tinungo ni Gaude ang gate ng school. Pero bago pumasok, nilingon niya si Lolo Kandoy. Nakita niya ito na patungo sa direksiyon ng España Blvd. Napansin niya, may hawak itong lata! (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

LOLO KANDOY

NIYA

PERO

SIGE LOLO

TITO MAU

TUMANGO

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with