^

True Confessions

Sinsilyo (50)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KUNG aalis si Lolo Dune, saan naman ito pupunta? Matanda na para magpalabuy-laboy sa kalye. At saka ang sabi ni Tito Mau, si Lolo Dune ang unang matanda na inampon niya. Nakita raw niya ito sa may gate sa labas na nakalupagi sa malamig na semento. Binigyan niya ng P20. Pero kinabukasan ay naroon pa rin. Ipinasya na niyang ampunin. Naawa siya rito. Nang tanungin niya kung may kamag-anak, ayaw magsalita. Wala raw siyang alam ukol sa matanda. Suplado rin daw kasi.

Pinakiramdaman ni Gaude kung aalis si Lolo Dune. Pero nakalipas ang dalawang araw, naroon pa rin ang matanda. Mahilig lang palang magbanta. Tama si Lolo Kandoy na madada lang daw si Lolo Dune. Mahilig lang manakot pero ang totoo’y duwag.

Mabuti at kabisado na ni Tito Mau ang ugali ni Kastilaloy. Kung sumunod pala ito sa sinabi ni Kastilaloy ay baka pinalayas na si Lolo Kandoy. Mahusay magdesisyon si Tito Mau. Kung ano ang sinabi niya, pinaninindigan kaya walang nagawa si Lolo Dune. Hindi niya nagawang mapalayas si Lolo Kandoy. Bilib siya kay Tito Mau sa pagbibigay ng desisyon sa nag-aaway na matanda. Parehas siya.

 

ISANG umaga na naghuhugas ng pinggan si Gaude ay nilapitan siya ni Tito Mau.

“Gaude, may ibang tao ba pumasok sa kuwarto ko habang ako ay nasa Baguio?”

“Wala po. Bakit po?’’

“Kasi’y parang nabago ang puwesto ng mga lata na may barya.’’

Nag-isip si Gaude. May inaalala.

“Wala po talagang pumasok, Tito Mau.’’

“Hindi kasi ako maaaring magkamali. Kabisado ko ang posisyon ng mga lata sa ila-lim ng kama.’’

Nag-iisip si Gaude. Sino kaya ang pumasok?

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

KASTILALOY

LOLO

LOLO DUNE

LOLO KANDOY

MAHILIG

PERO

TITO MAU

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with