^

True Confessions

Sinsilyo (45)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI mo nga alam ang istorya ni Kandoy dahil bago ka pa lamang dito. Wala ka pang gaanong nalalaman sa buhay ng mga narito,” sabi ni Lolo Dune.

“Ano po ang tungkol kay Lolo Kandoy? Bakit po nawalan ng tiwala si Tito Mau?”

“Nabawasan ang inii-pon ni Mau sa kuwaro niya.’’

“Ano pong iniipon?”

“Tonto ka talaga! Sinsilyo! Mga barya niyang iniipon nabawasan.’’

A, ang mga baryang nasa lata ang tinutukoy!

“Si Lolo Kandoy daw po ang nakialam o bumawas?”

“Siya lang naman daw ang huling pumasok doon kaya sino pa ang gagalaw?”

“Nakita po ni Tito Mau.”

“Hindi ko alam. Basta ang balita, si Kandoy ang galing sa kuwarto. At mula noon, wala nang tiwala sa kanya si Mau.’’

“Wala pong nakakita?”

“Hindi ko nga alam!”

“Mga magkano raw po ang nawala sa mga sinsilyo?”

“Basta nabawasan daw ang laman ng mga lata.’’

Naalala ni Gau­de na bi­ni­bigyan siya ni Lolo Kandoy ng P20 araw-araw para baon niya. Hindi kaya galing sa mga bar-yang nasa kuwarto ni Mau ang ibini-bigay sa kanya?

Pero duda pa rin siya. Wala sa mukha ni Lolo Kandoy na gagawa ng masama. Hindi siya magnanakaw. Kahit na hindi pa sila gaanong nagkaka-kilala ni Lolo Kandoy, naniniwala siyang hindi nito magagawang makialam nang hindi niya pag-aari.

“Anong iniisip mo? Natauhan ka rin kay Kandoy ano. Huwag kang maniniwala sa mga sinasabi niya. Numero unong sinu­ngaling iyon!”

Hindi sumagot si Gau­de. Kawawa naman si Lolo Kandoy. Nadurog nang ayos ang pagkatao.

“Huwag mong paniniwalaan ang mga sinasabi ni Kandoy. Wala kang mapu-probitso sa kanya. Marami pa akong alam ukol sa kanya!’’

Mayroon pa sanang itatanong si Gaude kay Lolo Dune katulad nang pagkakaroon nang ma­raming sinsilyo o barya. Saan galing ang mga yun? Pero hindi na siya nagtanong pa. Saka na lang.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

KANDOY

LOLO

LOLO DUNE

LOLO KANDOY

TITO MAU

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with