^

True Confessions

Sinsilyo (43)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NALINIS ko na po Lolo Kandoy. Huwag na kayong mag-away ni Lolo Dune. Ka­unting problema lang po ito,” sabi ni Gaude sa matanda na nakaupo sa silya sa malapit sa kubeta.

Napailing-iling si Lolo Kandoy.

“Sabi ko naman sa’yo huwag mong gagawin ang hindi mo naman ginawa. Sana hindi mo nilinis ang inidoro. Talaga namang hindi ako ang gumawa nun!”

“Okey lang po yun, Lolo. Huwag mo nang isipin dahil nalinis ko na ang ugat ng pinag-awayan.’’

“Kung ako sa’yo hindi ko lilinisin. Ang maglinis ay di yung tumae roon.”

“Maliit na bagay lang po Lolo. Huwag nang problemahin.’’

“Ang hirap kasi kay Kastilaloy, akala mo kung sino. Ang tingin sa kapwa niya ay busabos. Para bang Indio ang tingin sa akin ng Kastilaloy. Busabos ang turing sa akin. Napakasama ng ugali talaga. Lagi na lang ako ang pinagbibinta­ngan kapag may nangyayari rito. Para bang ako na lang lahat ang may gawa nang lahat. Napakasama ng tu­ring sa akin…’’ tumigil ito sa pagsasalita at inunat-unat ang braso. Pinalagutok pa ang mga daliri. At saka nagpatuloy sa pagsa­salita, “Sana hindi mo ako inawat kanina. Nabigwasan ko sana ang Kastilaloy. Sabog sana ang nguso. Takot naman yun, madaldal lang talaga. Kapag napatikim ko yun baka magbago ng ugali. Akala yata at may dugong Kastila siya ay uurungan ko.’’

Hindi nagsalita si Gaude. Pinakinggan na lang ang pagku­kuwento ni Lolo Kandoy­.

“Pareho lang naman kaming matanda na. Hindi na ako natatakot kung ano ang mangyari. Ngayon pa ba ako matatakot e mga ilang taon lang ay patay na ako. Wala na akong kinatata­kutan dahil wala na namang nagmamalasakit sa akin. Kahit anong mangyari sa akin, okey lang. Sanay na ako. Nakapagtiis na nga ako. Nalampasan ko nga ang lahat mula nang palayasin ng mga anak ko. Ngayon pa ba ako matatakot? Hindi na ako natatakot kahit kanino…’’

Natigilan si Gaude. May mga anak pala si Lolo Kandoy. Pinalayas daw siya!

Nagkaroon ng interes si Gaude kay Lolo Kandoy.

“May mga anak ka, Lolo?”

Tumango.

“Nasaan po sila?”

Umiling.

“Bakit po?”

“Huwag na Gaude. Ayaw ko nang ma­alala ang mga iyon.”

“Ano pong nangyari, Lolo?”

Hindi na nagsalita si Lolo Kandoy.

Hindi na nagpumilit si Gaude.

Hanggang sa magpaalam si Lolo Kandoy na matutulog daw siya. Tumayo si Lolo Kandoy at tinungo ang kanyang kuwarto.

Si Gaude naman ay nagbalik sa kabilang bahay. Akala niya wala na si Lolo Dune sa kusina. Naroon pa pala ito. Nakaupo sa mahabang bangko.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

HUWAG

KANDOY

KASTILALOY

LANG

LOLO

LOLO DUNE

LOLO KANDOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with