^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (458)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“TEKA muna, Numer, bakit mo nga pala nasabi na malaki ang posibilidad na magkita si Doc Sam at si Abdullah?’’ Tanong ni Imelda na halatang excited sa pakikipag-usap kay Numer.

“Kasi nga, malapit sa mga Pinoy worker si Abdullah. Alam mo bang lahat nang mga empleado sa Royal Saudi Navy ay mga Pinoy. Mapa-clerk, secretary, documentation, technician, telephone lineman, artist, at iba pa ay mga Pinoy. Dati ang mga empleado sa Saudi Navy ay mga Indiano, pero mula nang si Abdullah ang maging pinaka-mataas na navy official, maraming Pinoy ang kinuha. Bilib si Abdullah sa mga Pinoy. At nang malaman ko nga kay Tikboy ang istorya na si Abdullah ay nagkaroon ng anak sa isang Pinay, naikonekta ko ang pangyayari na kaya paborito niya ang mga Pinoy ay da­hil may anak siya sa Pinay. Kung maaari nga lang, pakiramdam ko kay Abdullah ay palitan na lahat ang ibang nationalities na worker at kunin ang mga Pinoy.’’

“Talaga, Numer?’’

“Oo. Kaya nga nasabi ko na ma-laki ang posibilidad na magkita ang mag-amang Abdullah at Doc Sam. At ako ang gagawa nang paraan para mangyari iyon, Imelda.’’

“Paano mo sasabihin sa kanya, Numer?’’

“Iniisip ko pa ang aking gagawin, pero tinitiyak ko sa’yo Imelda, magkikita ang mag-ama.’’

“Nasasabik na akong mangyari iyon, Numer. Siguro, ngayon pa lamang may mangyayari na nagkita ang amang Saudi at anak na Pinoy.’’

“Ano ba ang itsura ni Doc Sam, Imelda?’’

“Napaka-guwapo. Bukod sa guwapo, napaka­talino pa. Topnotcher siya sa Medicine board.’’

“Ganun ba.’’

“Bukod pa roon ay na­pa­kabait niya.’’

“Hindi ko pa alam ang buong istorya ni Sam pero siguro sa mga darating na araw ay ikukuwento mo sa akin, Imelda.’’

“Oo, sige. Alam na alam ko ang kuwento ni Sam at ganundin ang ina nitong si Cristy.’’

“Maiba ako, Imelda. Naniniwala ka na bang binata ako.’’

“Baka nga binat ka, he-he!”

“Seryoso ako, Imelda. Binata ako.’’

“O di sige, binata ka na, he-he!’’

“Binatang-binata ako.’’

Nang matapos ang pag-uusap nila, nakangiti si Imelda. Masayang-masaya siya. Iniisip niya kung totoong binata si Numer.

(Itutuloy)

vuukle comment

ABDULLAH

ALAM

BUKOD

DOC SAM

IMELDA

INIISIP

NUMER

PINOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with