^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (457)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TINUPAD ni Numer ang sinabi kay Imelda. Ito na ang tumawag nang sumunod na Biyernes. Noon ay alas siyete ng umaga sa Pilipinas.

“Kumusta Imelda?’’ sabi ni Numer.

“Ito mabuti naman, Numer. Di ba alas tres pa lang ng madaling araw diyan?”

“Oo. Tahimik na tahimik pa rito. Mas magandang tumawag kapag ganitong madaling araw.’’

“Hindi ba ako nakakaabala sa’yo Numer?”

“Hindi. Baka nga ako ang nakakaabala sa’yo. Baka mayroon kang ginagawa diyan.”

“Naku wala. Kasi’y dito ako nakatira kina Doc Sam at Aya. Si Aya ay misis ni Doc Sam.’’

“Ganun ba? E nasaan ang pamilya mo? Ang mister mo at anak?”

Nagtawa si Imelda.

“Ba’t ka nagtawa, Imelda?”

“E paano’y Miss pa po ako.”

“Ha? Ganun ba? Akala ko ay may pamilya ka na?”

“Wala. Ano ka ba?’’

“Kung ganun ay parehas pala tayong single.’’

“Huwag mo nga akong biruin Numer. Yung mga lalaking nasa Saudi yata e ang pakilala ay mga single sila. Pati ba rin ikaw?”

“Totoong single ako, Imelda. Kahit itanong   mo kay Tikboy.’’

“Malay ko kung kakutsaba mo si Tikboy.’’

Nagtawa si Numer.

“Bakit ko naman kukutsabahin si Tikboy dahil dun. Anyway kung hindi ka naniniwala ay okey lang. Basta binata ako. At siguro ay papanaw na binata, he-he!’’

Hindi nakapagsalita si Imelda. Totoo nga yata ang sinasabi ni Numer. Pero ano ba naman kung binata? Bakit parang apektadung-apektado siya?

“Hello Imelda, andyan ka pa ba?” tanong ni Numer nang tila mawala si Imelda. Natahimik kasi ang linya.

“O-oo! Narito pa rin ako, Numer.’’

“Akala ko, ini-off na ang CP mo. Natahimik kasi.”

“Ba’t ko naman gagawin yun? E di nawalan na ako ng kontak na mag-iimbestiga kay Abdullah.’’

“Pero naniniwala ka na binata ako?”

“Hmmm, kasi binat na binat na ang boses mo, Numer.’’

“Aba hindi pa binat, edad lang ang binat pero ang puso ko ay batambata pa, he-he!’’

“Naku palabiro ka pa pala.’’

“Masaya ka kasing kausap, Imelda.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BAKIT

DOC SAM

GANUN

HELLO IMELDA

IMELDA

NUMER

TIKBOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with