^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (427)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINALIKAN ni Doc Paolo si Dra. Sophia. Kinunan ni Sam ang tagpong iyon. Capture na capture ang pangyayari.

Pero hindi pa masiyahan ang tuwang-tuwang si Aya at hiniling pa na muling halikan ni Doc Pao­lo si Dra. Sophia.

“Kiss! Kiss!’’

Game naman si Doc Paolo at inakbayan si Dok­tora at marahang hinalikan sa labi. Dampi lamang ang iginawad ni Doc Paolo pero iyon ay walang ka-sing-init para sa kanya. Mahal na mahal niya si Doktora. Muli ay pinagsisihan ang nagawa rito. Nangako si Doc Paolo na hindi na magkakasala at pupunuan ang mga pagkukulang kay Doktora.

Nakunan din naman ni Sam ang muling paghalik ni Doc Paolo. Maski si Sam ay tuwang-tuwa sa nangyari. Maligaya siya sapagkat wala nang iisipin pa si Aya. Apektado rin siya kapag may iniisip na problema si Aya. Ngayon ay sigurado na siya na wala nang iisipin pa si Aya. Magiging maligaya ang kanilang pagpapakasal dahil narito na ang papa ni Aya. Ito na ang maghahatid kay Aya sa altar.

“Papa, siguro naman ay makakakain ka na nang maayos ngayon at bago dumating ang kasal namin ni Sam ay maganda na ang pangangatawan mo. Lalo kang popogi.’’

“Tiyak yun, Aya. Nga-yon pa nga lang ay gaganahan na akong kumain. Kapag katabi ko si Tita Sophia mo marami akong makakain. Di ba Sophie?”

“Palagay ko nga. Ako rin, tiyak na marami akong kakainin ngayon. Kasi alam ko, nag-iisa na ako sa puso.’’

“Yehey!” sabi ni Aya.

“O ano pa ang hinihintay natin? Kumain na tayo. Nagugutom na ako.’’

Masaya silang kumain. Umorder pa nang mga pagkain si Sam. Siya ang magbabayad. Kahit magkano, kaya niyang bayaran. At pakiramdam ni Sam, marami rin siyang makakain ngayon. Natutuwa siya. Tuwang-tuwa.

(Itutuloy)

vuukle comment

APEKTADO

AYA

DAMPI

DOC

DOC PAO

DOC PAOLO

DOKTORA

DRA

TITA SOPHIA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with