^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (17)

Pilipino Star Ngayon

HABANG binabasa ni Tatay Ado ang sulat ni Imelda, natitiyak na niya ang kasalanang nagawa ng anak na si Cristy. At ngayon ay nabibigyan na niya ng katwiran kung bakit inabandona ng manugang na si Ipe si Sam. Hindi pala biktima ng panggagahasa si Cristy kundi siya mismo ang nag-alok ng sarili sa among tinedyer. At ang resulta ng pag-aalok niya ng sarili sa tinedyer ay ang pagkabuntis. Malinaw  na malinaw ang sulat ni Imelda.

Ipinagpatuloy ni Tatay Ado ang pagbabasa sa sulat. Kailangang malaman niya ang buong pangyayari.

“Ikaw ang nag-alok sa sarili mo, Cristy at sino ba ang aayaw sa ganoon e kita mo nang parang asong hayok ang mga lalaki dito sa Saudi. Sabi ko nga sa’yo bago makapag-asawa rito ang lalaki ay kailangang may malaking pera para sa dowry. Kaya kawawa ang mahirap dahil walang maibibigay.

“At sa ginawa mo na ikaw pa pala ang nagpapasok kay Abdullah sa banyo habang ikaw ay hubo’t hubad na naliligo, nakatsamba siya. Suwerte siya dahil maganda ka, malalaki ang suso at siguro ay masabaw na masabaw dahil bata ka pa. Palagay ko sabik na sabik ka, Cristy. Hindi mo na naisip na mayroon kang asawa. Hindi ka na nag-isip at agad nagpagalaw sa ti-nedyer. Gusto kong isipin na “makati” kang babae.

“Sabi mo naging mainit ang pagtatalik n’yo. Mabilis ang pangyayari. Nang matapos, sabi mo, masayang-masaya ka. At sabi mo pa, nakangiti rin si Abdullah. Bininyagan mo kasi siya.

“At sabi mo, kinabukasan ay nagtalik uli kayo. Maagang umuwi mula sa school si Abdullah at muli kayong nagkulong sa banyo. Mas mainit ang mga sumunod sapagkat marunong na ang tinedyer. Madaling natuto.

“Pagkukuwento mo, halos araw-araw ay nagtatalik kayo. Gusto mo ang ginagawa ni Abdullah. Sabi mo mahal na  mahal ka ni Abdullah.

“Ang labis kong ikinatakot ay nang may ikuwento ka sa akin, makalipas ang dalawang buwan. Sabi mo, hindi ka pa nireregla. Agad na pumasok sa isip ko, buntis ka. Tiyak ko agad. Sinabi ko sa’yo yun. Namutla ka. Natigilan.

“At nang muli tayong mag­kausap, sabi mo madalas kang dumuwal. Nahihilo at parang tamad na tamad kumilos. Palatandaan ng buntis. Napaluha ka. Nagtanong ka sa akin kung ano ang gagawin. Hindi agad ako nakasagot. Wala akong maisip. Blanko ang isip ko. Problema ang pinasok mo.

“Lalo pang nadagdagan ang problema nang sabihin mong hindi mo na nakikita si Abdullah sa bahay. Pinagtataguan ka. Nagsawa na kasi sa’yo ang manyakis. Natikman ka na. Araw-araw ba naman kung araruhin ka, magsasawa talaga yun.

“Umiiyak ka. Paano ang gagawin mo? Unti-unti ay mahahalata ang paglaki ng tiyan mo. Kapag nalaman ng amo ang dahilan ay baka ka isumbong sa pulis. Kasalanan iyon. Nabuntis ka na walang asawa. Baka ka makulong. Ang matindi ay baka ka pagbintangan ng amo mong babae na ang ama ng ipinagbubuntis mo  ay ang asawa niya.

“Nag-isip ako ng paraan kung paano ka matutulu-ngan…”  (Itutuloy)

vuukle comment

ABDULLAH

ARAW

BININYAGAN

BLANKO

IKAW

IMELDA

SABI

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with