^

True Confessions

Ka Asyong: Konduktor ng bus noon matagumpay na negosyante ngayon - (Unang Labas)

- Ronnie M. Halos -
Si Ka Asyong (tawag kay Ignacio Bonifacio ng kanyang mga kaibigan at kakilala) ay nagmula sa wala. Tulad ng mga karaniwang Pilipino, ang pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay. Ang kanyang mga magulang ay mahirap na magsasaka. Tulad ng kanyang ninunong bayani na si Andres Bonifacio, tinanggap ni Ka Asyong ang hamon ng pakikipaglaban, walang atrasan para makamit ang pinapangarap sa buhay. Nananalaytay din sa kanyang dugo ang sigasig at tapang at naniniwalang ang buhay ay walang katapusang paglaban. Nararapat labanan ang kahirapan. Ang tiyaga, sipag, katapangan, katapatan at pananalig sa Diyos ang naging puhunan ni Ka Asyong kung bakit niya narating ang kinalalagyang buhay ngayon na lubhang kaiba sa buhay na kinamulatan 75 taon na ang nakalilipas. Isa siya sa pinakamatagumpay na negosyante sa Novaliches, Quezon City ngayon. Nakalinya siya sa construction business.

"Kailangan ang sipag at tiyaga," sabing nakangiti ni Ka Asyong. "Mahalaga ito. Kailangan din na ikaw ay mapagkakatiwalaan." Ayon kay Mang Asyong labis-labis ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mayayamang may-ari ng Jacinto Iron Steel Sheets Corp. (JISSCOR) na naging dahilan ng kanyang pag-akyat sa tagumpay na tinatamasa hanggang sa kasalukuyan. Hindi niya sinira ang pagtitiwalang iyon ng mga Jacinto at masarap nga ang bunga ng katapatan niya sa mga ito.

Hindi rin niya malilimutan ang isang pangyayari kung bakit naging matibay sa kanyang isip na ang pagiging matapat at mapagkakatiwalaan ang mahalagang hagdan sa pag-akyat sa tagumpay.

Ayong kay Mang Asyong, mayroon siyang kaibigang Intsik noon na humikayat sa kanya para magtayo ng negosyo. Regular customer ang Intsik sa Jacinto at madalas niya itong nakakakuwentuhan. Noon ay crane operator na si Ka Asyong sa Jacinto.

"Bakit di pa tayo negosyo Asyong?" tanong ng Intsik sa kanya.

"Paano ako magtatayo ng negosyo e wala naman akong puhunan," sagot niya.

Sa buong pagtataka ni Ka Asyong, nagtawa ang Intsik. Saka marahan itong sumagot. "Sa negosyo di-kailangan pela..."

Siya naman ang gustong magtawa sa sinabi ng Intsik. Niloloko yata siya ng kanyang kaibigang Intsik. Paano makapagtatayo ng negosyo kung walang pera.

"Imposible yata ang sinasabi mo," sabi niya sa Intsik.

"Hindi imposible, Asyong. Ikaw tiwala akin."

"Paano?"

"Basta melon ka nito," itinuro ng Intsik ang tapat ng puso, "Maaari ka tayo negosyo. Kailangan lang ikaw mapagkakatiwalaan. Basta melon ka nito ikaw asenso."

Hindi agad nakasagot si Ka Asyong sa kaibigang Intsik. Ang totoo’y matagal na siyang naghahanap ng isang taong magtuturo sa kanya ng mga paraan para umasenso ang buhay at makatakas sa kinagisnang kahirapan.

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

ASYONG

IGNACIO BONIFACIO

INTSIK

JACINTO

KA ASYONG

KAILANGAN

MANG ASYONG

PAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with