^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-51 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Minsan isang gabi, hindi nakatiis si Jay na puntahan ang kanyang mommy sa kuwarto nito. Namalayan kasi niya ang pagdating. Alam niyang lasing ang kanyang mommy. Kahit na narinig niyang kaya pa nito ang katawan at hindi naman daw lasing ay hindi siya naniniwala. Paano’y narinig niya ang pagbagsak ng mga kasangkapang nahawakan dahil sa nawalan ng panimbang. Kadalasang inihahatid ang kanyang mommy ng mga kaibigan din nitong babae na nabibilang sa alta sosyedad. Hindi niya alam kung saan ang paboritong hangout ng kanyang mommy at mga kaibigan nito.

Lakas-loob siyang pumasok sa kuwarto para alamin ang kalagayan ng kanyang mommy. Baka sa sahig na ito natutulog o baka kahit nasa kama na ay wala naman sa ayos ang pagkakahiga. Nakabukas ang kuwarto. Sinilip niya. Nakahiga sa kama ang mommy niya subalit hindi nga maayos ang posisyon. Maaaring sa isang kilos nito ay mahulog sa kama.

Nilapitan niya at ginising para umayos sa pagkakahiga. Ayaw magising. Napansin niyang hindi na ito nakapagpalit ng damit dahil sa kalasingan. Nakailang yugyog pa at saka naalimpungatan ang kanyang mommy. Subalit sa halip na tanggapin ang kanyang pagmamalasakit ay nagalit pa. Pinalabas siya sa kuwarto. Pabayaan daw siya.

Walang nagawa si Jay kundi ang lumabas ng kuwarto. Marahan niyang isinara ang pinto. Nauunawaan niya ang mommy niya kung bakit ganoon ang ugali. Masakit ang pagkamatay ng daddy niya.

Kinabukasan, bago siya pumasok sa school ay dumaan siya sa kuwarto ng mommy niya. Ipakikita niya ang matataas na gradong nakuha niya sa school. Gising na ang mommy niya. Lumapit siya at hinalikan sa pisngi. Saka ipinakita ang matataas na grades. Balewala rito. Parang walang nakita. Nagpaalam na siya para pumasok. Apektado na siya sa mga nangyayari. Tila nasira na ang mga balak ng kanyang mommy ngayong wala na ang kanyang daddy.

Walang ipinagbago ang kanyang mommy sa loob nang may isang taon. Parating lasing at dis-oras sa gabi kung umuwi. Pero nagtaka siya ng isang umaga ay lapitan siya ng kanyang mommy at kausapin nang masinsinan.

"Mag-aral ka pang mabuti at ikaw na ang hahawak ng negosyo natin kapag nakatapos ka ng pag-aaral."

Hindi siya makaimik. (Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

APEKTADO

AYAW

BALEWALA

KANYANG

MOMMY

NIYA

SIYA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with