^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-49 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Istrikta ang mommy ni Jay. Gusto’y laging perpekto ang kalalabasan ng kanyang mga gagawin. Maging sa mga maid nila ay nakikitaan niyang may pagkamahigpit. Hindi naman ito madamot sa mga nangangailangan kaya lamang ay labis ang pagkadominante. Siya ang lagi nang tama. Ang magustuhan ay pipiliting kunin. Kung ayaw sa isang bagay ay prangkahang sasabihin. Kahit na may masaktang damdamin ay hindi na iniisip. Ngunit ni minsan ay hindi niya nakitang nagtalo ang daddy at mommy niya. Siguro’y hindi lamang ipinakikita sa kanya at patago kung magkaroon ng diskusyon. Ganoon talaga ang mga may pinag-aralan, hindi ibinubulgar ang mga bagay na personal. Kahit na may problema ay haharap sa mga kaibigan at kakilala na parang walang anuman ang lahat. Magaling magkunwari.

Marami ring kaibigan ang kanyang mommy. Maraming pagkakataon na halos mapuno ang kanilang bahay dahil sa mga pumupuntang bisita ng mommy niya. Mga mayayamang tulad nila. Umaapaw ang kotse sa kanilang bakuran kapag nagkakasabay-sabay ng pagpunta. Nakikipagkuwentuhan lang naman. Pinag-uusapan ang tungkol sa negosyo. Sa pagkakaalam niya’y may kaugnayan sa garment at mga cosmetics ang linya ng negosyo ng mommy niya. Hindi niya lubusang alam ang tungkol doon.

Hindi lang pagsososyalan, kainan at inuman ang mga nangyayari tuwing pupunta ang mga mayayamang kaibigan (karamiha’y babae) ng kanyang mommy. Kung minsan, naglalaro sila ng mahjong. Larong mayaman na ang malaking perang natatalo ay libangan lamang at balewala sa tulad nilang mayayaman. Kapag ganoong nagkakasarapan sa pagma-mahjong sa kanilang bahay ay nagkukulong siya sa kuwarto. Hindi siya lumalabas hanggat hindi natatapos ang pagma-mahjong na inaabot ng hanggang madaling araw.

Nakatapos siya ng elementary sa isang ekslusibong school na para sa mayayaman. Isa siya sa mga nanguna sa klase. Nang tanggapin niya ang medalya ay ang daddy niya ang tuwang-tuwa. Ang mommy niya ay natutuwa rin subalit higit ang nakita niyang kasiyahan ng kanyang daddy. Parang maiiyak pa.

Ang kasunod pala ng kasiyahang ipinakita ng kanyang daddy ay kalungkutan. Nasa first year high school siya nang mamatay ito. Biglaan. Sa nangyari ay parang naguho ang mundo ni Jay. (Itutuloy)

vuukle comment

BIGLAAN

GANOON

ISA

ISTRIKTA

ITUTULOY

KAHIT

MOMMY

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with