^

True Confessions

Mapait na Asukal (Ika-46 na Labas)

- Ronnie M. Halos -
"Talaga bang ang mayayamang tulad n’yo ay hindi marunong makadama sa damdamin ng iba. Ang mommy mo sa tingin ko, palagi siyang tama. Sa tingin ko e hindi ka niya mahal. Ibang klaseng pagmamahal ang alam niya. Hindi ko alam kung anong itatawag sa mommy mo. Nagtataka ako kung anak ka nga niya dahil sa pagmamalupit niya sa iyo at sa akin."

Ang mga sinabing iyon ni Lara ay para bang kidlat na tumama kay Jay. Kasunod ay ang pagsisiwalat ng lihim na matagal na rin pala nitong itinatago. Akalain ba ni Lara na ang kanyang iniisip at sinabi ay magiging totoo. Nagulat siya sa sinabi ni Jay.

"Hindi naman talaga niya ako anak," sabi ni Jay at ini-start ang kotse. Pinatakbo. Mabilis. Para bang may humahabol.

Si Lara naman ay biglang tumigil sa pag-iyak. Parang natulig sa sinabi ni Jay.

"Hindi ka anak?" Tanong ni Lara.

Tumango si Jay. Lalo pa nitong pinabilis ang pagpapatakbo.

"Nagbibiro ka ba?"

"Hindi ako nagbibiro," sagot ni Jay na parang may pagkayamot. "Bakit ngayong nagsasabi ako ng totoo e hindi ka naman naniniwala. Mahirap talagang paniwalaan pero totoo."

Hinayaan ni Lara na magsalita nang magsalita si Jay. Ngayon ang tamang pagkakataon na malaman niya ang iba pang misteryong bumabalot sa pagkatao ng kanyang asawa. Baka may kaugnayan din ito sa kakaibang pamamaraan ng pakikipag-sex na ipinalalasap sa kanya. Unti-unti nang naguguho ang lupa at kasunod ay ang paglantad na ng mga nakabaong lihim.

Ampon lamang daw siya sabi ni Jay – ampon ng mayamang mag-asawa. Nang magkaisip siya ay ipinaalam na kaagad sa kanya iyon ng mag-asawa.

Hindi na itinago ang buo niyang pagkatao. Palibhasa’y mayayaman ang mga umampon at matatalino, hinubog ang kanyang isipan sa kaprangkahan ng mga bagay-bagay. Isang bagay lamang ang hindi naipagtapat kung sino ba talaga ang tunay niyang mga magulang.

Basta ang sinabi’y dinala siya ilang araw pa lamang ipinanganganak sa malapalasyong bahay na iyon sa Corinthian. Ang kasunod niyon ay ang pagkamulat niya sa karangyaan ng buhay. (Itutuloy)

vuukle comment

AKALAIN

AMPON

BAKIT

HINAYAAN

JAY

LARA

NIYA

SI LARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with