^

True Confessions

Mapait na asukal (Ika-45 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Hindi sila nakadalo sa birthday ng daddy ni Lara. Inabot sila ng gabi sa bahay ng mommy ni Jay. Walang magawa si Lara kundi tawagan ang daddy niya sa telepono at sabihing hindi sila makararating sa birthday nito. Nagtaka ang daddy niya.

"May malaking dahilan, Daddy. Sorry ha?"

Hindi makatingin ng deretso sa kanya si Jay. Alam nitong nagkukukot ang loob niya sa nangyaring pagkasira ng plano.

Sa kotse, nang pauwi na sila ay saka niya kinumpronta si Jay. Panibagong isyu na naman tungkol sa pagiging makasarili ng mommy nito. Maraming inilabas na galit si Lara pero hindi naman siya nagtataas ng boses. Pinag-aralan na niyang huwag magalit kahit na gaano pa ang tindi ng nadarama sa mommy nito. Wala namang imik si Jay habang nagmamaneho. Nakatutok ang mga mata sa kalsada. Sa wari ba’y inaasahan na ang mga gagawing paghihimutok ni Lara.

"Hindi man lamang ako pinagbigyan ng mommy mo. Lagi naman tayong nasa bahay niya samantalang mula nang ikasal tayo e isang beses ko pa lang nadadalaw si Daddy."

Itinabi ni Jay ang kotse sa service road at hinarap siya. Nangako sa kanya. "Bukas pupunta tayo sa kanila paglabas natin ng office. Ako mismo ang hihingi ng sorry kay Daddy."

"Kung ba’t kasi napakamakasarili naman ng mommy mo. Napakaselosa niya sa tingin ko. Para bang pati ako e pinagseselosan niya."

Hindi umimik si Jay. Patuloy naman si Lara sa pagsasalita. Ilalabas na niya ang anumang nasa dibdib niya. Nagsanib-sanib na ang mga hinanakit na naipon at masakit kung hindi ilalabas.

"Lagi na lamang nating pinag-aawayan ang tungkol sa mommy mo. At isa pang napapansin ko, parang hindi sa isang ina ang turing niya sa iyo. Kasi kung tunay siyang ina, madarama niya kung nasasaktan ang damdamin ng anak at pati ang kanyang manugang. Parang balewala ako sa kanya at hindi itinuturing na asawa mo na."

Hindi na napigilan ni Lara ang sarili. Umiyak siya. Ibinuhos niya lahat. Gusto niyang malaman ni Jay na talagang punumpuno na siya sa mga nangyayari sa kanilang buhay. (Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

BUKAS

DADDY

IBINUHOS

JAY

LAGI

LARA

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with