^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-43 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Obligado si Jay na dumalaw isang beses isang linggo sa bahay ng kanyang mommy. At pinakamahirap iyon para kay Lara. Naguguluhan siya sa sitwasyon. Madalas siyang pakiusapan ni Jay sa obligasyong inilatag ng mommy nito. Mahirap para kay Lara ang dumalaw sa mommy ni Jay na sa simula pa lamang ay nakitaan na niya ng pag-ayaw sa kanya. Ang akala ni Lara ang pagpuri sa kanya ng mommy nito noong una silang magkita ay magwawakas sa isang magandang relasyon. Hindi pala. Hindi si Lara ang problema kundi ang mommy ni Jay. Mapagmataas at aristokrata. Hindi na iniisip kung nakasasakit ng damdamin ng kapwa.

Pero walang magawa si Lara kapag nakiusap na sa kanya si Jay. Paano’y nakaaawa ang itsura ni Jay para lamang siya mapapayag. Sadyang masunurin ang kanyang asawa. Takot nga talaga sa mommy nito. Wala siyang maipipintas sa asawa, iyon nga lamang, misteryoso sa kanya ang pagkatao nito na lalong pinabigat ng hindi niya maunawaang pamamaraan ng "kakaibang pakikipagtalik". Sabagay natatanggap na naman niya iyon. Ilang ulit na nga bang hindi na siya tumatanggi sa kagustuhan nito. Masakit pero natatanggap na niya. Nagugustuhan na rin niya kahit na mapait. Nalalasahan na rin niya kahit na marahas at ipinipilit.

Ang pagdalaw nila linggu-linggo sa bahay ng mommy ni Jay ay higit pa yata sa isang birthday party. Maraming ipinalulutong pagkain ang mommy ni Jay. Para bang sabik na sabik ito kay Jay gayong palagi rin namang nagkikita at nagtatawagan sa telepono araw-araw. Hindi rin naman masasabing grabe ang kalungkutang nadarama sapagkat marami itong kaibigan sa lipunan ng mga kapwa mayaman.

Pakitang tao na lamang ang ginagawa ni Lara para huwag mabigo si Jay. Lunukin na lamang nang lunukin ang mga pasaring at pintas. Hayaan na lamang na magsalita nang magsalita. Prangka kasi ang mommy ni Jay. Kung ano ang gustong sabihin ay walang makapipigil.

Minsang dumalaw sila ay naabutan nilang nagsu-swimming sa pool ang mommy ni Jay. Naka-two piece. Humanga siya sa porma ng katawan nito na bagamat malapit na yatang mag-60 anyos ay mahubog pa rin. Ang mga dibdib ay parang hindi pa salanta kahit sa ganoong edad. (Itutuloy)

vuukle comment

HAYAAN

HUMANGA

ILANG

ITUTULOY

JAY

LAMANG

LARA

LUNUKIN

MOMMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with