^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-42 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Kapag napupuno na si Lara sa ginagawang panghihimasok ng mommy ni Jay ay masasakit na salita na ang nasasabi niya sa asawa. Hindi na siya makapagpigil lalo na’t naging madalas ang pagpunta sa kanila ng mommy ni Jay.

"Magpakita ka naman ng pagtutol. Mag-asawa na tayo at hindi na tayo mga bata na laging ituturo ang gagawin," sabi niya minsan kay Jay matapos na umalis ang mommy nito isang araw ng Linggo. May pinuna na naman ang mommy ni Jay.

"Hindi ko kaya, Lara," ang tinig ni Jay ay humihingi ng paumanhin.

"Bakit?"

"Hindi ko kayang magsalita."

"Hindi mo naman siya lalabanan. Anong masama niyon?"

Hindi siya sinagot ni Jay at iniwan siya. Kapag ganoon ang takbo ng kanilang usapan ay iniiwan siya ni Jay. Umaalis dala ang kotse at gabi na babalik. Siya naman ay iiyak nang iiyak. Mahirap ang kanyang kalagayan. At sa ganoong sitwasyon ay maaalala ang namatay niyang mommy. Kung buhay lamang ang mommy niya siguro ay hindi siya ganoon kadesperado ang buhay. Maski ano ay sasabihin niya sa kanyang mommy. Maski na ang iniingatang lihim na pamamaraan ng pakikipag-sex sa kanya ni Jay ay sasabihin niya. Mahirap ang walang pinagsasabihan ng problema. Para bang nag-iisa na sa mundo. Kahit na medyo ayos na sila ng daddy niya, may pag-uurung-sulong pa rin siya kung ipagtatapat ang mga nangyayari sa kanyang buhay.

Problema na ang sex life niya ay problema pa rin ang pakikisama sa biyenan niya. Talaga yatang ganoon ang nakatakda sa kanya. At kapag dumarating sa punto na hindi niya mapigil ang sarili ay kung anu-ano na ang sinasabi niya kay Jay. Na sa dakong huli ay siya rin naman ang nasasaktan dahil ni gaputok ay hindi nagsasalita si Jay. Kahit yata ano ang gawin niya ay hindi ito lalaban. Mahina nga yatang lalaki ang asawa niya o sadyang mabait.

Isang mahirap na bagay na ipinakikiusap sa kanya ni Jay ay kung niyayaya siya sa bahay ng mommy nito para dalawin. Magagalit daw kapag hindi nadalaw. (Itutuloy)

vuukle comment

JAY

KAHIT

KAPAG

LARA

MAHIRAP

MOMMY

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with