^

True Confessions

Uod sa aking laman - Ika 127 labas

-
Nasa dugo na ang pagiging "makati". At habang binabasa ko ang sulat ng Mamang ni Nilda, hindi ko maiwasang maalala ang tagpong nagniniig kami. Kapag nakagusto si Nilda na magtalik kami ay walang pinipiling oras. Minsan ay hindi pa ako pinapapasok sa opisina. Kung minsan ay humihiling na umuwi ako ng maaga. May mga pagkakataong tatlong beses sa isang araw ang pagtatalik. Sa loob-loob ko’y normal ba ang gayon. Ayaw ko subalit gustung-gusto niya. At hindi siya tumatanggi sa anumang laban namin. Kaya pala! At ngayong nalantad pa ang isang lihim na pati ang ikalawang asawa ng ina ay tinukso rin, lalo pang nadagdagan ang aking pagkagalit sa walanghiyang babae.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa sulat ng Mamang ni Nilda. Mahaba ang sulat na iyon – may apat na pages. Nakasulat sa yellow paper. Bagamat may mga bahagi akong hindi naintindihan, pilit ko itong inunawa. Alam ko namang hindi nakapag-aral ang Mamang ni Nilda. Sa sulat ay lalo ko pang nadama ang kabiguan ng matanda.

"Makaraan ngang maka-graduate ng high school si Nilda ay inihanap ko siya ng mapapasukang pamilya para maging katulong. Ako kasi’y walang pangarap para sa aking mga anak. Ang ibig ko’y kumita na agad sila. Mali ako roon at inaamin ko naman iyon. Sa isang mayamang Intsik nga sa bayan si Nilda naging katulong.

"Ang akala ko ay mabait ang among lalaki. Kasi’y tahimik at akala mo’y hindi makabasag ng itlog. Iyon pala’y nagnanasa na kay Nilda. Mabait sa akin ang Intsik at kahit na kababale ko lamang ng pera ay pinababale uli ako. Na-advance ko na nang na-advance ang suweldo ni Nilda. Iyon nga at ginalaw nito si Nilda. Pinangakuan ng kung anu-ano. Pumayag na si Nilda kapalit ng kaunting pera.

"Pero nalaman ko rin iyon at ako na rin ang nagpumilit na alisin doon si Nilda. Inisip kong magdemanda subalit ano ang magagawa naming mahirap. Isa pa, hindi naman pinuwersa si Nilda at pumayag na nga sa dakong huli. Masakit sa akin iyon dahil ina rin naman ako.

"Hindi ko na siya hinayaang maghanap ng trabaho subalit napansin ko ang katigasan ng ulo. Kung ano ang gustong gawin ay walang makapigil.

‘‘Hanggang sa matuklasan ko nga na kapag wala ako sa bahay at naglalabada o kaya’y nagtitinda ay ang asawa kong ikalawa ang tinukso. Minsan ay nahuhuli ng mga maliliit na kapatid na nagtatalik sila sa kuwarto. Sinaktan ko si Nilda at muntik ko nang mataga ang aking asawa. Pinalayas ko si Nilda at iyon nga nagpunta sa Maynila. Humingi ng tawad ang aking asawa at pinatawad ko naman. Katwiran e tinukso raw naman siya ni Nilda kaya nagawa iyon."

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

AYAW

INTSIK

IYON

MAMANG

MINSAN

NILDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with