Uod sa aking laman - Ika 129 Labas
June 4, 2001 | 12:00am
Hindi ko binibitawan ang pagbabasa sa sulat ng mamang ni Nilda. Ang sama ng loob ay lubusan na nitong isiniwalat sa mahabang sulat. Pilit kong inintindi ang mga katagang binitiwan ng matanda.
"Maraming beses nangyari ang pagsalaula sa aming pamamahay. At tulad ng nadama mo sa pagkakahuli kay Nilda at Jeffrey, wala rin iyong ipinagkaiba sa nadama ko. Baka mas masakit pa dahil anak ko si Nilda at ang kasangkot ay aking asawa. Wala namang akong nahahalata sa nangyayari sa aming bahay. Naging abala ako sa paglalabada at kung minsan ay nagtitinda pa ako ng mga kakanin sa palengke. Hindi ko nahahalata ang aking asawa sapagkat "humihiling" pa sa akin kung gabi. Ako ang tumatanggi sapagkat pagod ako.
"Minsan ay napauwi ako nang maaga sapagkat naubos kaagad ang aking tinda sa palengke. Nakita kong lumabas sa aming kuwarto si Nilda. Pero hindi ko iyon binigyan ng masamang kahulugan sapagkat lagi naman itong pumapasok sa kuwarto. Nakita kong parang nagmamadali si Nilda hawak ang ilang damit. Nang pumasok ako sa kuwarto ay nakahiga ang aking asawa sa papag. Nakatalikod ito. Nagulat ito sa bigla kong pagdating.
"Hanggang sa malaman ko na nga ang katotohanan dahil sa ginawang pagsusumbong ng mga kapatid ni Nilda. Kinumpronta ko ang dalawa at umamin nga sa kasalanan. Mabilis sa pagpapaliwanag ang aking asawa samantalang wala namang kakibu-kibo si Nilda. Tinanggap nito ang nagawang kasalanan. Pinalayas ko nga si Nilda at pinatawad ko naman ang aking asawa. Aywan ko ba kung bakit sa kabila na may kasalanan din ang aking asawa ay mas kinampihan ko pa rin siya. Hindi ba dapat ay hiwalayan ko rin ang aking asawa o kayay murahin, kalmutin o saksakin. Ewan ko kung bakit hindi ko iyon nagawa. Siguro ngay wala rin akong kuwentang ina. Isang pabayang ina na hindi marunong umintindi sa mga anak.
"Kumalat din ang buong pangyayari dito sa aming maliit na barangay. Pinag-usapan kami. Bakit daw si Nilda lamang ang aking pinalayas. Dapat daw ay aking asawa rin. Hindi ko na pinansin ang usap-usapang iyon. "Hanggang sa mawalang parang bula ang pangyayari.
Hindi ko na inaasahang pupunta pa rito sina Nilda at Jeffrey. Sa kabila ng mga nangyari ay ayaw ko na rin silang makita sapagkat mabubuhay lamang ang masamang bangungot. Bangungot na kapwa natin naranasan. Humihingi ako ng tawad sa nagawang kasalanan ng aking mga anak sa iyo."
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended