^

True Confessions

Uod sa aking laman - Ika 126 Labas

-
Alam na ng Mamang ni Nilda ang buong katotohanan sa paghihiwalay namin. Sa sulat ay malinaw na nakasaad na alam na rin nito ang pagkakaroon ng relasyon ni Nilda sa nakababatang kapatid na si Jeffrey. Punumpuno ng kabiguan at sama ng loob ang sulat. Humihingi ng patawad sa akin ang Mamang ni Nilda. Sana raw noon pa ay ipinagtapat na niya ang iba pang lihim ni Nilda upang nakapag-isip-isip ako sa pakikisama rito. Sana raw ay nabigyan niya ako ng babala. Umasa raw kasi siya na hindi na mauulit ang ginawa ni Nilda noon.

"Kilala kong may kalandian ang anak ko at dapat ay ipinaalam ko na sa iyo noon pa. Me kasalanan din ako. Bukod sa may kakatihan ay matigas ang ulo. Kung ano ang gusto ay hindi puwedeng hindi masunod. Masyado akong nasaktan sa nabalitaang pati ang kanyang kapatid ay naging biktima ng kanyang kamunduhan.

"Nalaman ko ang lahat sapagkat nagtungo ako sa Maynila may ilang buwan na ang nakararaan. Nagpunta ako sa inyo upang dalawin sana sina Nilda at Jeffrey. Nagulat ako nang makitang iba na ang nakatira sa inyong bahay. Ang sabi ay ipinagbili na raw iyon. Saka ay may mga taong nagkuwento sa akin ng mga pangyayari. Nahuli mo nga raw ang dalawa sa kuwarto. Habang ikinukuwento ang pangyayari ay gusto kong matunaw sa kahihiyan. Kapwa magkapatid na nagsasalo sa kasalanan.

"Hiyang-hiya akong umalis sa lugar ninyo. Ganito rin ang naramdaman ko nang matuklasan ko ang kakaibang pagkatao ni Nilda noon. Bukod sa pagiging matigas ang ulo ay nasa dugo na yata ang kakatihan. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa sa pagsasabi ng katotohanan. Makaraan siyang galawin ng Intsik na amo niya noon ay napansin kong naging kakaiba na ang kilos ni Nilda. Naging malapit sa mga lalaki at gustung-gustong makikipag-usap sa mga lalaki. May pagkakataong naka-shorts lamang ito at padispley-ispley sa harap ng aming bakuran. Katatapos niya noon ng high school. Noong una ay hindi ko napapansin subalit nang magtagal na ay lumalala na ang pagiging malandi.

"Wala akong kamalay-malay na pati ang ikalawa kong asawa ay tinukso ni Nilda. Ayaw kong maniwala noong una subalit nang ang mga bunsong kapatid na nito ang magsabi ay napatunayan kong totoo iyon. Si Nilda umano ang nagpapakita ng motibo sa kanyang tiyuhin. Nangyayari iyon kapag ako ay wala sa bahay at naghahanapbuhay.’’
(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

AYAW

BUKOD

JEFFREY

MAMANG

NILDA

SANA

SI NILDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with