^

True Confessions

Uod sa aking laman - Ika 125 Labas

-
Sumunod na linggo’y tumawag muli si Ching at ibinabalita nitong naipagbili na niya ang aking bahay at lupa. Kung ano ang ginawa niya at napabilis ang bentahan ay hindi ko na inalam. Wala umanong naging problema sa pagbebenta. Ang pera ay inilagay niya sa banko ayon sa aking instruksiyon.

"Hindi na nagpakita ang walanghiyang si Nilda?" tanong ko.

"Hindi na, Manong. Pero may kutob akong susugod uli ang walanghiyang iyon. Kung magku-krus uli ang landas namin ay tatamaan na siya sa akin. Hindi na niya magagawa ang pagmura-mura sa akin noon. Tatarakan ko siya."

"Nasaan na ’yung mga damit, pabango at alahas niya?"

"’Yung mga damit, ibinigay ko sa bahay ampunan. ’Yung pabango ay ipinamigay ko kung kani-kanino. Ayaw kong gumamit niyon pagkat lagi kong naaamoy ang kalandian ng asawa mo. ’Yung alahas ay ipinagbenta ko at pinaghati-hatian namin. Di ba yon ang bilin mo?"

Sa mga sinabi ni Ching ay nabawasan ang aking pag-aalala. Bagamat masakit din sa akin ang pagkawala ng bahay at lupa, tinanggap ko ang kapalarang iyon. Masakit sapagkat bago ko naipundar ang ari-ariang iyon ay marami ring paghihirap ang aking naranasan. Iyon pala’y sasalaulain lamang ng babaing pinag-ukulan ko ng pagmamahal. Putang ina ka Nilda! Sigaw na naman ng isip ko.

Pitong buwan ang lumipas at wala akong natatanggap na balita mula kay Ching na may kinalaman kay Nilda. Saloob-loob ko’y baka umalis na ito ng Maynila at nagtungo na sa kanailang probinsiya.

Hanggang isang sulat ang aking natanggap. Galing iyon sa Bicol – sa Mamang ni Nilda. Nakadama na naman ako ng takot habang binubuksan ang sulat. Katulad ng pagkatakot na nadama ko noon nang panahong pinagtataksilan ako ng walanghiyang babae.

Nagimbal ako sa nilalaman ng sulat sapagkat isa na namang nakatagong lihim ni Nilda ang nabunyag. Sa sulat ay maliwanag na nakalahad na alam na ng Mamang ni Nilda ang paghihiwalay namin. Natuklasan na rin nito ang pagkakaroon ng relasyon nina Nilda at Jeffrey. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ipinagtapat na ang isa pang nakatagong lihim ni Nilda – ang "kakatihan" ng anak. Nasa dugo na raw ang kakatihan nito sapagkat pati ang sariling kapatid ay nabiktima. Wala nang pinipili kapag umaatake ang pagkagutom sa kamunduhan. (Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

BAGAMAT

BICOL

HANGGANG

IYON

MAMANG

NILDA

WALA

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with