^

True Confessions

Uod sa aking laman - Ika 122 labas

-
Ipinahilot ko ang aking tagiliran na ayon sa manghihilot ay naipitan ng ugat. Kundi raw maaagapang maipahihilot ay baka mamaga. May kalakasan daw ang sumipa sa akin kaya ganoon ang pagkakaipit ng ugat. Habang hinihilot ako ng matandang lalaki ay napagmasdan ko si Ching na awang-awa sa akin. Lubha akong naging kaawa-awa sapagkat "naiputan" na sa ulo ay "natadyakan" pa ng walanghiyang si Jeffrey.

Ilang araw ang lumipas ay ipinasya kong bumalik na sa Saudi Arabia. Ipinaubaya ko na lamang kay Ching ang pagbebenta sa aking bahay at lupa. Bago ako umalis ay masinsinan akong kinausap ni Ching.

"Ipakikiusap ko lamang sa iyo Manong na huwag mo nang matatanggap si Nilda. Kilala kitang mabait at kaunting lambutsing lamang ay lumalambot ang puso mo. Baka sulatan ka ni Nilda at hilinging makipagbalikan sa iyo. Baka humingi ng tawad at kung anu-anong kadramahan ang sasabihin. Huwag kang papayag."

Seryosong-seryoso si Ching sa pagsasalita. Noon ko lamang ito nakitang nagpakita ng labis na pag-aalala sa akin.

"Kapag tinanggap mo siya, huwag mo na akong ituring na kapatid Manong. Hindi ako nagbibiro."

"Ba’t ko naman siya tatanggapin? Ano ‘ko sira?"

"Madali ka kasing lokohin."

"Noon iyon pero ngayon ay hindi na. Hindi ko malilimutan ang ginawa nila sa akin."

Sinabi ko kay Ching na baka matagalan na ako sa Saudi Arabia. Baka doon ko na hintayin ang aking pagtanda. Sabi ni Ching, mas mabuti pa nga na sa Saudi na lamang ako.

Ibinigay ko kay Ching ang mga alahas at pabango na naiwan ni Nilda. Sabi ko’y isangla niya o ipagbili at ang pera ay gamitin niya. Huwag niyang isusuot ang alahas at baka may kamalasan itong taglay. Sinabi kong hatian niya sa perang mapagsasanglaan o mapagbibilhan ng alahas ang iba pa naming kapatid. Tuwang-tuwa si Ching.

Maayos akong nakabalik sa Riyadh. Ilang linggo lamang ay sumiklab ang giyera. Sinakop ni Saddam Hussein ang Kuwait at nadamay ang Saudi Arabia. Ang ilang kasamahan kong Pilipino ay takot na nagsiuwian sa Pinas. Ako ay hindi. Hindi na ako natatakot kay Saddam. Matibay na kasi ang dibdib.
(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

CHING

HUWAG

ILANG

MANONG

NILDA

SABI

SADDAM HUSSEIN

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with