Uod sa aing laman - (Ika-130 Labas)
June 4, 2001 | 12:00am
Ayaw na ring makita ng matanda sina Nilda at Jeffrey. Mabubuhay na naman daw ang bangungot kung babalik ang mga ito sa kanila sa Bicol. Pero naisip ko, may ina bang nakatitiis sa anak? May magulang bang maipagtatabuyan ang anak?
"Ako na ang humihingi ng tawad sa iyo sa nagawang kasalanan ng dalawa kong anak. Alam kong masakit ito sapagkat naranasan ko rin. Mas matutuwa pa nga ako kung makikitang patay ang dalawa kaysa naman mabuhay sila na inuuod ang laman dahil sa walang kapatawarang kasalanan. Buhay pa ay may uod na dahil sa katakawan sa kamunduhan. Ang ikinatatakot ko ay kapag nabuntis si Nilda. Anong uri ng buhay ang naghihintay sa kanila kapag nangyari iyon."
Sa hulihan ng sulat ng mamang ni Nilda ay inulit ang paghihimutok at kabiguan na bakit sa kanilang buhay nangyari ang ganoon. Mahirap na nga raw sila ay nagdanas pa ng ganoong klaseng kasumpa-sumpang pangyayari. Hindi raw niya alam kung kailan matatapos ang kanilang problema.
"Mabuti pa nga sigurong mamatay kaysa sa magdanas ng kung anu-anong problema. Sa nangyari kina Nilda at Jeffrey siguradong kakalat na naman ang balita sa aming barangay at maglalakad na naman ako na parang pugot ang ulo."
Natapos ang sulat ng mamang ni Nilda na paulit-ulit ang paghingi ng paumanhin sa ginawa ng kanyang dalawang anak sa akin.
February 1991, isang sulat mula kay Nilda ang aking natanggap. Wala itong nakasaad na address. May kutob akong hihingi ng tawad. Nag-atubili ako kung babasahin ang sulat. Para bang may nagbubulong sa akin na huwag buksan iyon. Hindi na dapat pang pakinggan ang isang "babaing makati". Subalit nanaig ang pagnanais kong malaman kung ano ang nakasulat. Sa totoo lamang, nakadama ako ng kaba habang binubuksan ang sulat.
Tama ang hula ko sa nilalaman ng sulat. Humihingi nga ng tawad ang "makating babae". Hindi na raw mauulit ang pangyayaring iyon. Kaya lamang daw nangyari iyon ay sapagkat "pinilit" siya ni Jeffrey. Pinagamit pa umano siya ng shabu kaya wala siyang lakas para tumanggi. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended