^

True Confessions

Uod sa aking laman

- TC REPORT - (Ika 117 labas) -
Dinampot ko ang pantalon at t-shirt ni Jeffrey na nakasabog sa sahig at inihagis iyon kay Nilda. "Ibigay mo sa kanya at magsama na kayo kung saan ninyo gusto. Magpakasawa na kayo. Huwag na kayong pakikita sa akin pagkat papatayin ko kayo," may tigas ang aking tinig. Dali-daling umalis si Nilda dala ang damit ni Jeffrey.

Isinara ko ang pinto at naupo ako sa sopa sa salas. Noon ko naramdaman ang sakit sa aking tagiliran bunga ng pagkakatadyak ni Jeffrey. Naramdaman ko rin ang pananakit ng aking palad dahil sa pagsampal at pagsuntok kay Nilda. Kulang pa ang mga ipinalasap ko sa kanya kung tutuusin. Kung hindi ko naisip na mayroon pang Diyos, baka tuluyan ko na siyang napatay.

Sa kabila na nahuli ko na ang dalawa ay naghalungkat pa rin ako sa aming kuwarto ng mga bagay na makapagpapatibay na matagal na akong "iniiputan" sa ulo. Hinalughog ko ang aming aparador at nakita ko roon ang mga mamahaling damit ni Nilda, mga alahas na binili ko sa Saudi, mga pabango at kung anu-ano pa. Nakita ko roon ang maraming retrato ni Nilda na ang ilan ay hubu’t hubad. Naisip kong siguro’y ipadadala niya sa akin ang mga retratong iyon kung hindi ko nabisto ang lihim nila ni Jeffrey. At saka ko naisip na siguradong ang kumuha ng mga retratong iyon ay si Jeffrey.

Pagkaraang halungkatin ang aparador ay napansin ko ang pantay-dibdib na lalagyan ng damit – isang plastic – na nasa sulok. Binuksan ko iyon. Mga damit ni Jeffrey ang nasa loob. Mga mamahaling pantalon at t-shirt at may mga alahas din. Sa paghahalungkat ay nakita ko pa ang mga pakete ng condom. Isinabog ko ang mga damit sa sahig dahil sa muling pagbugso ng aking galit. Mga walanghiya!

Pinagala ko pa ang aking tingin hanggang sa mapansin ko ang isang nakabukas na sobre na nakapatong sa tokador. Binuklat ko. Sulat ni Nilda sa kanyang ina sa Bicol. Kagagawa lamang ang sulat base sa petsa sa itaas. Binasa ko ang sulat.

Mamang,

Huwag na kayong luluwas dito sa Maynila sapagkat masyadong magastos. Ako na lamang ang laging susulat sa inyo. Okey naman kami ni Jeffrey.

Alam kong pinadalhan kayo ng aking asawa ng pera. Siya ang lagi ninyong sulatan at hingian ng pera. Para naman magkaroon ng kapalit ang pagkakaloob ko ng sarili sa kanya o ang pagpapakasal sa kanya.

Hindi naman talaga totoo sa loob ko ang pagmamahal sa kanya. Nagkataon lamang na wala akong mahingan ng tulong dito sa Maynila. Sa totoo lamang ay ayaw ko sa matanda. Kapag ginagalaw niya ako ay nandidiri ako..."(Itutuloy)

vuukle comment

AKING

ALAM

BICOL

BINASA

HUWAG

JEFFREY

MAYNILA

NILDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with