^

True Confessions

Mapait na asukal (Ika-35 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Araw ng kasal. Pinakamaligayang araw sa buhay ni Lara. Habang isinusuot ang damit-pangkasal ay magaan na magaan ang kanyang pakiramdam. Hindi pa rin makapaniwala na ikakasal na nga. Tapos na ang pagiging dalaga na matagal din niyang hinintay. Nang maisuot ang damit ay sinipat-sipat. Maganda. Tamang-tama ang lapat. Mamahalin ang damit na ang nagdibuho ay ang isang sikat na baklang fashion designer. Naalala ni Lara ang katabaan niya noong araw na walang magkasyang damit sa kanya. Ngayo’y maliit na maliit ang baywang niya na humakab sa damit pangkasal na nagpatingkad sa kanyang kagandahan.

"Para ka talagang artista," puri ng kanyang pinsang babae na umuwi mula sa States para sa kanyang kasal. Ang pinsan niyang ito ang kasama sa isang bar noon at nakita si Jay kasama si Bong. Naalala pa iyon ng kanyang pinsan at nag-urirat pa tungkol kay Jay. "Madali ka lang bang niligawan ng Jay na iyon?" Tanong nito.

"Ako ang nanligaw," sagot ni Lara. "Torpe nga. Ibinibigay ko na e ayaw pang sagpangin!"

"Ikaw ang nagpakita ng motibo?"

"Ano pa?"

"Baka naman bakla?"

"Hindi a. Tatlo nga raw ang naging girlfriend."

"Baka boyfriend?"

Kinurot siya ni Lara.

"Okey lang kung bakla. Uso naman ngayon ang nagpapakasal na bakla di ba?" Saka nagtawa ito nang nagtawa.

Nakamulagat naman ang kanyang pinsan sa sinabi ni Lara.

Maayos ang kanilang kasal sa Manila Cathedral. Maraming dumalo. Karamihan ay mga kaibigan sa alta sosyedad ng mommy ni Jay. Mayayaman at halata ni Lara ang pagkabalisa ng ama habang ginagawa ang seremonya ng kasal.

Maayos ang reception sa isang five star hotel. Dumagsa lalo roon ang bisita. May ilang tao ng gobyerno na dumalo. Kaibigan ng pamilya nina Jay.

Natapos ang reception. Pakiramdam ni Lara ay hapung-hapo siya sa dami ng hinalikan at kinamayan.

Tinatanong niya ang sarili kung kaya pang makipagromansa kay Jay. Kaya pa.

Pagkatapos ng reception ay nagtuloy na sila sa kanilang bagong bahay sa isang class na subdivision sa Quezon City. Eto na ang pinakahihintay niya. (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

ARAW

DUMAGSA

ETO

LARA

MAAYOS

MANILA CATHEDRAL

NAALALA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with