^

True Confessions

Uod sa aking laman

- Ika-115 labas -
Tahimik na tahimik nang dumating ako sa aming lugar. Mga aso at pusang gala ang nakita kong kakalat-kalat sa eskinitang papasok sa looban. Kakatwang walang nagdaraang tao sa eskinita gayong kung ganoong oras – pasado alas-2 ng madaling araw ay maraming nagsisiuwing factory worker sa aming lugar. Sa di-kalayuan sa amin ay naroon ang malaking factory ng biscuit. Malayo pa lamang ako sa aming bahay ay dinukot ko na ang susi na sa pintuan. Saan man ako magpunta, lagi akong may dalang duplikadong susi. Hindi ko akalain na malaking tulong pala ang pagdadala ko ng susi sa ganoong "pambihirang sitwasyon" at sa hindi inaasahang pagkakataon.

Malayo pa’y natanaw ko na nakasindi pa ang ilaw sa bahay. Kabisado kong sa kuwarto namin nakasindi ang ilaw. Mga walanghiya! Hindi ako gumagawa ng ingay at para namang nakikisama ang pagkakataon sapagkat ni isa mang aso ay walang tumatahol sa akin. Nakikisama ang mga aso sa gagawin kong paghuli sa mga salarin.

Nang marating ko ang aming gate na yari sa kahoy, napansin kong hindi ito nakakabat. Hindi na pinag-aksayaang ikandado nang maayos. Marahan kong itinulak ang gate subalit lumikha rin ng langitngit. Humakbang ako sa pinto at sinusian iyon. Bumukas agad. Wala na akong nararamdamang kaba o takot sa mga sandaling iyon. Ang nasa isip ko ay ang galit at ang determinasyong mahuli sila sa akto.

Nakapasok ako sa loob ng bahay na walang kaingay-ingay. Madilim sa salas subalit naaninaw ko ang aking lalakaran. Humakbang ako patungo sa aming kuwarto. Tahimik sa loob. Nakasilip ako ng talsik ng liwanag sa pinto at iisa ang ibig sabihin niyon hindi nakakandado ang pinto ng kuwarto.

Mabilis ang ginawa kong pagkilos. Itinulak ko nang buong lakas ang pinto at kumalabog. Nakita ko ang kahalayang nangyayari sa loob. Hindi maitatanggi ng liwanag. Dalawang hubo’t hubad na katawang nagsasalo sa kasalanan. Gayong dis-oras na ng gabi ay naglalamay pa sa paggawa ng kalaswaan. Parang mga hayok sa posisyong sa pelikulang "bold" ko lamang napapanood. Dalawang katawang pinagsanib na ang mga ulo’y nasa kakatwang posisyon. Nasa kaigtingan at kainitang pagsasalo at halos hindi nakakilos sa biglang pagbubukas ko ng pinto. Kapwa nasa kanilang mga mata ang kabiglaan.

"Mga putang ina n’yo!" Malakas ang aking pagkakasabi na tiyak kong gumuhit sa katahimikan ng gabi. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BUMUKAS

DALAWANG

GAYONG

HUMAKBANG

KONG

MALAYO

TAHIMIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with