^

Metro

Trader nagpasailalim sa breast, liposuction at butt surgery, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ipinag-utos na ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang masu-sing imbestigasyon sa pagkamatay ng isang negos­yanteng babae matapos na sumailalim sa breast, liposuction at butt surgery sa Barangay Highway Hills sa Mandaluyong City.

Tiniyak ni EPD Director Police Chief Supt. Romulo Sapitula kina Noli at Shirlie Antonino, na masusi nilang iimbestigahan ang pagkamatay ng kanilang anak na si Shiryl Saturnino, 29, upang matukoy ang pag­kukulang at pana-nagutan ng The Icon Clinic at mga doktor nito, kung saan  sumailalim sa breast, liposuction at butt surgery na nagresulta sa kanyang kamatayan ang biktima.

Batay sa ulat ng EPD, nitong Sabado ay nagtu­ngo ang biktima, kasama ang kanyang kaanak na si Shiela Mae, sa klinika na matatagpuan sa ground floor ng Summit One Tower, sa 530 Shaw Boulevard   sa Barangay Highway Hills upang magpa-surgery.

Dakong alas-5:00 ng hapon nang ipasok ng ope­rating room ang biktima ngunit matapos ang surgery dakong alas-2:40 ng madaling araw ay napansin umano nina Dr. Jose Jovito Mendiola at Dr. Samuel   Eric Yapjuangco ng The Icon Clinic, na nawalan ito ng pulso.

Sinubukang i-revive ng mga doktor ang pasyente at isinugod sa Makati Me-dical Center ngunit idineklarang patay dakong alas-3:21 ng madaling araw.

Nabatid na si Saturni­no ay regular na pasyen­te ng The Icon Clinic at ito na ang ikatlong pagka­kataon na nagtungo ito sa naturang klinika upang sumailalim sa naturang procedure.

vuukle comment

LIPOSUCTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with