^

Kutob

Marso 28, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Tinatanggap ko ang kasaganahang laan sa akin ng Maykapal.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag gaanong mag-pokus sa isang bagay, mababalewala na ang iba. Marapat na huwag hintaying mawala nang tuluyan ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagahan nito. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 40 at green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka rin sa patutunguhan. Maraming daan sa landas ng tagumpay subalit ang nag-iisang landas na sadyang nakalaan sa iyo ay siya pang kinakatakutan mong tahakin. Baguhin o repasuhin ang mga plano para matiyak ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 33 at maroon.

GEMINI  (Mayo 21 - Hunyo 21) – Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa ikatutupad ng pangarap. Lahat ng gawin ngayon ay nakatuon sa pagkamit ng pangarap. Maaaring sa sobrang pokus ay may bagay kang makakaligtaan kaya mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 28, 40 at cream.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Makakakilala ng tao na magiging daan ng kaunlaran sa hanap-buhay. Huwag pansinin ang ano mang marinig na masakit na mga salita sa tahanan, kaibigan o kasamahan. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 27, 32 at violet.

LEO  (Hulyo 23 - Agosto 22) – Isipin na may kakayahan ka na pamunuan ang lahat at mailagay sa ayos ang mga bagay. Sa kabila ng kalituhan, mapagta­tan­tong nasa sariling kamay ang pag-kontrol sa mga bagay na gustong gawin. Nasa iyo ang katangian at kakayanan, kaila­ngan lamang ay pag-isipan at pag-ibayuhin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 42 at ocean blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, daig pa ang malaking sunog. Panatilihing nasa maayos ang mga bagay at maging positibo sa pananaw. Magugulat ka kung paano makakatulong sa pagbabago ng iyong buhay ang ganoong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 30, 37 at red.

LIBRA (Setyembre  24 - Oktubre 23) – Kung may hindi alam, pag-aralan para matutunan. Hindi man lubusan na nauunawaan, mahalaga na magtanong sa higit na nakakaalam at hindi dapat ikahiya. Kung nais magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 23, 41 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Mahalaga ang magplano at isipin ang gawain nang maiwasan ang pag-aaksaya ng oportunidad at panahon. Huwag magmadali kung sa tingin ay malabo ang oportunidad. Kung alam ang tamang paraan patungo sa tagumpay, makararating ka roon. ‘Yun ang dapat pagsikapang hanapin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45 at purple.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Sa halip na hanapin ang bagay na wala sa iyo, bigyang-halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi mo nagustuhan ang bagay na nasa sa iyo, hanapan ng paraan para maging kaakit-akit sa paningin o panlasa ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at gray.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag pa­gurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan nang lubusan. Nagsasayang ka lang ng pagod at oras. Ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong negatibong kahinaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 33 at orange.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Huwag kaagad sumuko. Magtimpi sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay. Alalahanin na hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin ay makukuha sa isang iglap. Kalimitan, mahihirapan ka muna bago makamit ang gusto at minimithi. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at jade green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Dahil sa isang ma­lapit na kaibigan, makikilala ang lalaki o babae na ma­kapagpapatibok ng puso. Mag-ingat sa nilalang na ito dahil napakalayo ng agwat ng inyong compatibility. Lahat ng gustong gawin ay ipagpatuloy dahil ang pagpupursige sa isang bagay ay magkakaroon ng katuparan at tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 24, 38 at brown.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with