^

Pang Movies

Nora kailangan ng bonggang exit!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Naniniwala kami na siguro nga dapat nang pag­handaan ni Nora Aunor ang isang grand exit. Siguro nga sa una ay hindi iyan magugustuhan ng kanyang fans, o maaaring hindi rin magustuhan ni Nora na naniniwala nga sigurong kailangan pa siyang magpatuloy sa kanyang career, pero for the sake of preserving the legend that she was, hindi dapat hayaang bumaba nang bumaba ang kanyang popularidad.

Palagay namin sa ngayon, deserve naman ni Nora na makagawa ng isang malaking proyekto, iyon talagang maipagmamalaki niya. Hindi indie kung ‘di kagaya ng mga malalaking pelikulang ginagawa niya noong araw. Kailangan nila iyong ipromote nang maayos, hindi kagaya ngayon na ang promo ng kanyang mga pelikula, dahil sa low budget nga, nasa social media lamang. Kailangang gumawa siya ng isang mala­king hit, tapos mag-retire na siya. Deserve naman niyang mag-retire na after fifty long years. Tutal masasabi nga sigurong naabot na rin naman niya ang lahat ng kailangan niyang abutin.

Ang paniwala kasi namin, si Nora ay kaila­ngang mai-preserve bilang isang legend ng industriya ng pelikulang Pilipino. Ang dapat gawin ay habulin ang kanyang royalties sa lahat ng mga pelikula at mga recordings na ginawa niya. Sikapin nilang maire-issue ang kanyang mga lumang plaka, mai-remaster iyon at mailagay sa CD kagaya nang ginagawa sa US, at kung gagawin iyon, sa royalties lamang buhay na siya.

Hindi mo na mapapagawa pa ng bagong recording si Nora. Nasira na ang boses niya at hindi kami naniniwalang maibabalik pa iyon sa dati, may edad na rin naman siya. Ang isa pang klasikong magagawa, subukan ni Nora na mag-recording. Marami nang digital enhancers na makaka-ayos kung ano man ang problema, at iyon ang kanyang gawing swan song. Isang album lang, tapos wala na.

Goma natuwa sa pagiging pro death penalty ni Lucy

Naglabas na ng statement si Senador Ralph Recto, na nagsabing natutuwa siya sa naging desisyon ni Ate Vi sa death penalty. Dahil sa kanyang statement na iyan, more or less alam na rin natin kung ano ang magiging choice ng senador pagdating ng bill sa senado.

Si Mayor Richard Gomez naman, natuwa sa desisyon ng kanyang misis na si Congresswoman Lucy Torres Gomez na bumoto pabor sa death penalty. Iyang pamilya ng mga Gomez at Torres ay kilalang mga debotong Katoliko sa kanilang bayan sa Ormoc, pero sinasabi nga nila na hindi nanga­ngahulugan iyon na laban sila sa simbahan. Inisip lamang nila kung ano sa palagay nila ang mas makabubuti sa mga tao. Mas maganda nga naman ang death penalty na dumaan sa sistemang legal, kaysa sa extra-judicial killings na maaaring magpatuloy kung wala iyan.

Hindi lang mga aktor, ilang aktres na jobless sa isang sosyal NA COFFEE SHOP nagpapa-take home

Ang haba ng kuwento sa amin ng isang barista na matagal na naming kakilala at ngayon nga ay nasa isang coffee shop sa isang up scale na mall sa Taguig. Ikinuwento niya sa amin kung sinu-sino’ng mga artista ang madalas niyang makitang naka-istambay doon. May duda rin siya sa ginagawang pag-istambay ng iba, lalo na ng mga male stars, “kasi pag-alis nila may kasama na silang mga bading”.

May mga female stars din daw, pero hindi kasing sikat ng mga tambay na na aktor na nagpapa-take home.

  1. Aba, mukha ngang may ibang klaseng bentahan diyan sa up scale mall na iyan.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with